Enemies to Lovers? Real Quick! Si Catalina ay isang bakery owner. Boyfriend nito si Renn na tumutulong sa kaniya sa bakery. Katapat naman ng bakery nila ang bakery ni Aidan. Girlfriend naman nito si Trisha na pineperahan lang si Aidan. Hawak ni Catalina ang secret recipe na nagpapasarap sa mga tinapay nila. Sa paghahangad na mapasarap at magkaroon ng maraming mga customers, sinubukan nina Aidan at Trisha na nakawin ang secret recipe. Kalauna'y maghihiwalay sina Aidan at Trisha, at sina Catalina at Renn. At 'yon ang babago nang tuluyan sa kanilang mga relasyon. Magiging daan ba ito para magkaroon ng bagong pag-ibig? Paano tatakbo ang buhay nila? Paano tatakbo ang negosyo nila? Published: December 1, 2020 Finished: April 19, 2021 Rewritten: June-December 2022