Chapter 1

16 0 0
                                    

Sa buong buhay ko never ako nakakita ng lalaking sobrang gwapo sa paningin ko. Bukod kay papa ay wala na akong nakikitang gwapo. Para sa 'kin lahat sakto lang. Wala naman kasi akong pakialam sa mga taong nakakasalamuha ko.

Sa tuwing may lalaking kumakausap sa 'kin ay tipid lang ako sumasagot. Wala na akong ganang makipag-usap sakanila. May dahilan din naman kasi ako bakit ayaw na ayaw ko ng makipag-usap o kahit kaibigan man lang ngayon.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang din siya natignan ng mabuti. Hindi ko naman siya sinuri kanina kasi sa mata niya lang ako nakatingin.

Nakasuot siya ng isang white na shirt na may print at simpleng jeans habang 'yung isang strap ng itim na bag niya lang ang nakasampay sa balikat niya. I hate to admit but ang gwapo niya sa suot niya kahit na sobrang simple lang nito.

Nakapamulsa siyang pumasok at agad na huminto sa harap kung saan katabi niya si Sir Dixon. Umayos ako ng upo ng ilibot niya bigla ang paningin niya sa loob ng may kaonting ngiti sa labi. Napalunok ako ng dumapo ang paningin niya sa gawi ko lalo na nung nagtagal ang tingin niya sa 'kin. Halata sa mukha niya ang gulat.

What? I know I'm beautiful

"Please kindly introduce yourself" sabi ni Sir Dixon sa transferee. Everyone was whispering- well 'yung mga babae lang.

"Hi, I'm Ollivander Tavis Alvarez. Oliver for short" sabi niya. Kagaya ni Sir Dixon ay naghintay kami sa sunod na sasabihin niya pero lumipas ang ilang segundo na nakatitig lang kami sakaniya at tahimik lang siya ay napagtanto naming wala na.

Tumikhim si Sir Dixon, "Welcome, Mr Alvarez. I'm Mr. Dixon, your prof for this subject. Please take your seat" ani Sir Dixon.

"Thank you, sir" sagot niya kay prof. Napaiwas ako ng tingin sakaniya ng bigla na namang dumapo ang paningin niya sa 'kin. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkuha ng notes sa bag ko.

Umupo naman siya sa isa sa mga upuan don sa likod. Agad naman nagsimula si Sir Dixon sa klase niya. After mga ilang hours ay nagring na ang bell meaning next subject na namin.

-----

"Remind yourself to study because I'm going to give you a long quiz next week. That's all." sabi ng prof namin saka siya lumabas ng classroom. Hinawakan ko ang leeg ko saka ko ito hinimas ng makaramdam ng pangangalay.

Finally lunch!

Niligpit ko na ang mga gamit na ginamit ko sa pagsketch kanina. Agad ko itong nilagay sa loob ng bag ko. Bago ako tumayo ay inayos ko pa muna ang bangs ko na medyo nagulo saka ako dire-diretsong lumabas ng classroom.

Pagkapasok ko sa cafeteria ay bumungad sa 'kin ang napakaingay na mga estudyante. Dumadagundong ang tawa ng ilan sa apat na sulok dito sa cafeteria. Inayos ko sa pagkakapasok 'yung earphone ko sa tenga ko para hindi 'ko sila masyado maririnig.

Ganito ako palagi t'wing nagllunch ako dito. Ayoko ng istorbo. Bjti nalang din wala akong kaibigan.

Agad na akong pumila sa counter. Hindi naman ganun kahaba 'yung pilang naabutan ko kaya madali kong nakuha ang order ko. Binayaran ko muna ito saka ako tumalikod para maghanap sana ng lamesa pero muntik ko ng matapon ang tray ng sumalubong sa 'kin ang mukha niya.

Napakurap ako ng makita kong tumaas bigla ang dalawa niyang kilay dahil sa gulat. Umawang din ng konti ang bibig niya. Nag-iwas ako ng tingin at agad na umalis don.

Bakit ba sulpot siya ng sulpot? Para siyang alien.

Bumuntong hininga nalang ako saka ako naglakad papunta sa pang-apatang na lamesang nakita ko. Umupo ako don at agad na inayos ang pagkaing inorder ko. Susubo na sana ako pero nahagip ng paningin ko ang isang babaeng kakapasok lang sa cafeteria. Tatawa tawa itong umakbay sa kaibigan niya.

The Rhythm Of Your HeartbeatsWhere stories live. Discover now