Chapter 2

1 0 0
                                    

"Kasing pogi ko pala ex-boyfriend mo eh! English lang nilamang tsk!" sabi ni Wilfred kay Clara.

Nandito kami sa tambayan naming mala-bahay na rin. Dati ay simpleng mga upuan at kawayan lang ang nakatayo rito noong bata pa kami. Tuwing wala kaming ginagawa noong teenagers kami ay ginawa namin itong maliit na bahay mula sa mga gamit na nakikita namin.

"Tol, wala ba kayong salamin sa bahay niyo?" sabi ni Zoren at natawa kami lahat.

"Pero hindi nga, gwapo at kauri nitong si Megan! Amoy at tingin palang ay out of rcoverage area na mga pre! Tanong niyo pa kay Lemuel at Xian." sabi pa niya at tinuro ang dalawa.

"'Di nga?" tanong ko sa dalawa.

"He's spitting facts, guys. My brother's handsome as hell!" singit ni Megan.

"Siyempre kapatid mo eh!" angal ni Zoren.

"Why don't we ask the 'ex-girlfriend'?" sabi ni Megan na may diin kaya't sabay-sabay namin tinignan si Clara na nanlaki ang mata.

"Ha?" tanging nasabi niya.

"Hampogi daw ba nung ex mo?" ani Gabriel.

Ilang segundo rin siya nag-isip at tinignan kami isa-isa.

"Oh my god! You're having a second thought?! Does that mean na kuya's not 'that' hot or like hindi siya yung real type mo?! Holly molly!" overeacting na sabi ni Megan with matching tayo pa 'yan.

"H-hindi! I mean... Pogi naman talaga si Brent. Everyone's dream guy. In fact, he really fits my Ideal type pero standards are standards. I just know that it won't work for us." sabi nito at tumungo.

Gagi! Na-curious tuloy ako sa itsura ng lalaking 'yon. Everyone's dream guy?! AT DREAM GUY NI CLARA?! Sayang kung nakita ko siya kanina edi sana pinaglalamayan na siya sa utak ko...

"Sinubukan niyo ba isalba? Wala lang, nanghihinayang lang ako. Imagine, ilang taon din kayo at sa ilang taon na 'yon ay kita ko, namin na talagang masaya ka." sabi naman ni Lemuel at kita ko ang kung ano sa mata ni Clara.

May dumaang anghel...

"HOY! CHANGE TOPIC NGA! Ilang araw ka dito?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Buwan, depende. Dito muna ako at pumayag naman sina mommy and daddy. About sa work ko ay vacation leave muna." sagot nito at tumango kami.

"Pang-malakasan pala 'tong si Megan! Naikwento sa'min trabaho niya at ng pamilya niya. Sana all!" sabi ni Zoren na nakaupo sa monoblock sa paraang yung sa sandalan siya nakaharap at ang braso niya nakapatong dito.

"Oh, that's nothing. Kayo? What's your trabaho ba?" ani Megan gamit nanaman ang tono niyang pinaghalong English at Tagalog.

"Naligaw ng landas sa IT," Wilfred

"Kakapasa palang ng Board exam bilang Electrical Engineer! Ka-proud ka self!" Zoren

"Konting tiis nalang at Architect Gabriel Tuazon na ang itatawag sa'kin," Gabriel

"Graduating sa Med school," Lemuel

"Department head sa isang kompanya," Xian

Nakaka proud ang mga ugok na 'to! Akalain mo 'yon mas halata pa silang kakalabas sa preso kaysa mag-itsurang professional!

"Ikaw, George? What's your job? Maybe something related to business?" tanong nito.

Natikom ang bibig ko, "Si George? Business?! HAHAHA! Imbes na papel at puro tipa sa keyboard ang ginagawa niyan ay balde ng tubig at mga kahon-kahon ang bitbit niyan!" sabi ni Zoren na agad nabatukan ni Xian.

Melt my Heart to StoneWhere stories live. Discover now