Chapter 7

0 0 0
                                    


"Thaddeus, finally!" Maarteng sabi ng babaitang 'to. Agad siyang yumapos kay sir Brent na ikinanguwi ko ng pasikreto.

"What are you doing here?" Madiing tanong ni sir sakaniya at nakita ko naman itong ngumuso at nag puppy eyes.

Tanginang mata 'yan. Pakibalik nga 'to sa sinapupunan ng ina mukang maling bata ang nailabas. Imbes na bata ay aso ang naiiri dahil daig pa ang aso na tumahol at maglambing.

Umubo ako ng peke at succesful naman ang pag-agaw ko ng atensyon nila. "Excuse me lag po, sir Brent bakit po kayo lumabas? Importante po ang meeting niyo sa loob dahil as per the details po ay pag-uusapan ang renewal ng contract."

"Whatever. Who the hell is she ba? Where's Adam?" Sabi ni ma'am Emilia at inirapan ako.

Kanina pa 'to ah pigilan niyo ko.

"Emilia, just go. I'll call you when I'm free." Mahinahong sambit ni sir sakaniya at dinugtungan niya agad bago pa makapag salita ang babae. "No buts, just leave."

"Fine! You have to treat me dinner after this!" May halog pagtatampo at dabog ang boses ni ma'am Emilia bago lumisan.

"Sir, shoo na! Kaya ko na 'to. Hindi niyo namang sinabing kailangan ko ng experience sa pag aalaga ng hayop dito." Sabi ko at natawa sa sarili kong biro at kinunutan lang ako ng kilay nito.

"Come with me,"  aniya at tumango nalang ako.

Hindi na namin tinapos ang meeting ni sir Brent at si Adam na daw ang mag co-cover no'n. May biglaan daw kasi na tumawag sakaniya sa isang site  kung nasaan ang isang importanteng client ng company.

Lakad dito. Lakad doon. Ang role ko ay alalayan ang kailangan ng amo ko. Ngumiti sa mga tao kahit hindi ko ito kilala. Maging attentive sa mga bagay-bagay dahil bigla ka nalang tatanungin o hihingian ng opinyon. Puro type at sulat ang ginawa ko at ang dami kong naipong papel at folder!

"Sir, last na po ba 'yon?" Tanong ko habang nakahawak ang isang kamay sa kotse at ang isa ay sa aking sakong dahil tinanggal ko muna ang suot kong heels. Ang sakit sakit na eh. Maglakad ka ba naman sa mabato, pabalik-balik sa office, at kung saan-saan.

"Bakit ako ang tinatanong mo? You have my schedule, right?" Sabi niya habang nakahalupkipkip na nakasandal sa kotse. Tinanggal niya ang suit niya at ang necktie kaya naka puting sleeve nalang siya.

"Sabi ko nga," sagot ko at inirapan siya. Kinuha ko ang Ipad at chineck ang schedule at binuksan ko ang kotse sabay upo ng maayos at komportable habang naka pikit dahil wala ng kasunod ang huling pinuntahan namin.

"Sit properly," nagulantang ako sa boses sa gilid ko kasabay nang may bahagyang tumapik sa tuhod ko.  "Take of your shoes." Aniya bago sinarado ang pinto.

Nakaramdam din ang isang 'to!

"Sir, matanong ko lang ah. Bakit ang dami niyong schedule at kailangan present ka sa lahat wala ka bang representative? Sa mga nababasa ko kasi o kaya ang alam ko eh puro sa office o stay at home lang ang boss." Pagdadaldal ko dito habang nagmamaneho siya.

"Because I don't need to? Why would I let others do it when I can?" Aniya at tumango naman ako.

"Akala ko tamad ka. Masipag ka po pala. Sa susunod pag ganito schedule niyo ay magdadala ako ng spare shoes dahil ang sakit talaga ng paa ko." Sabi ko at nag-indian sit para kumportable.

"You'll get used to it," aniya at inilagay ang dila ko sa loob ng kanang pisngi ko. Akala ko pa naman papayagan niya ko.

"Sasabay po ba ako sainyo bukas ng umaga?" Tanong ko dito at tinignan siya na hawak ng kanang kamay ang manibela at ng kaliwang kamay ang lips niya habang nakapatong ang braso niya sa malapit sa bintana.

Melt my Heart to StoneKde žijí příběhy. Začni objevovat