CHAPTER SIX

108 13 3
                                    

ZESARIAH’S POV

A week had passed at malaki ang pasasalamat ko na nakasalamuha pa ang siraulong boss namin na iyon.

Madalas itong wala sa kompanya at hindi ko alam kung bakit. Kung papasok man siya ay ilang oras lamang ang itatagal niya at aalis din kaagad.

Maraming beses niya akong ipinapatawag kay Sir Rain ngunit gumagawa ako ng palusot o kaya ay iba ang pinapapunta ko sa office niya.

Ngunit madalas din akong nakokonsensya lalo na kapag pagbalik ng katrabahong pinakiusapan ko galing opisina ay parang nakakita rin ng multo pero ayos lang naman daw. Sa nakikita ko gusto rin nilang nasisilayan ang gwapong mukha ng boss namin kuno.

Si Rosel ay hindi na kami ginambala pa lalo na’t mukhang nakagawa na ng hakbang ang gaga dahil mukhang magkalapit na sila ni Sir Seph.

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa Korean cuisine para sa squad dinner date namin.

Kaka out lang namin sa kompanya at ngayon namin napagkasunduan ang una sa dalawang beses naming pagpunta dito sa isang lingo.

“ahm.. Zes may I ask how’s your brother Matthew?” may pag aalinlangan sa boses ni Zhari nang magtanong siya saakin at namumula ang mukha.

Napatigil kaming lahat sa pagkain at agad namin siyang tinignan ng pang asar na tingin habang may sinusupil na ngiti sa labi.

Tumikhim ako “ahm.. He’s fine, still masungit parin. Bakit ba kasi hindi ka na umamin sakanya?” sagot ko at pilit pinipigil ang pang asar na tawa.

“hindi nga kasi siya type!” pagsabat ni Thanny at tumawa ng malakas kaya napabulalas narin kami ng tawa.

Agad sumama ang mukha ni Zhari at inirapan kami na lalo naming ikinatawa.

“ay! Wow ang gaga. Parang type naman siya ni Sir Chris kahit pinagtitripan lang siya!” Pang aasar naman ni Hanna kay Thanny kaya natigil ito sa pagtawa at hinampas ang isang kaibigan namin.

“Bwiset ka! Akala mo naman gusto ka ni Sir Zach.” Balik sagot naman ni Thanny.

Napapatingin na saamin ang ibang mga costumer dito dahil sa ingay namin.

“eh di wow, Nginitian niya kaya ako nung magkasalubong kami kahapon.” Ani Hanna at animoy naging puso nanaman ang mata.

“Ilusyunada!”

“Assumera!”

“Di ka naman kagadahan!”

“Puno ka ng kapangitan!”

“Depungal!”

“pakyu!"

Nagkasagutan na si Hanna at Thanny nang sumabat si Nathalia sa naiiritang boses.

“Will you please shut up! We’re getting too much attention. You don’t have to fight pareho lang naman kayo duuuhh”

“look who’s talking. The one who is having hopeless attraction towards our Chief financer!” nakangising pandadamay ni Hanna sa kapatid.

Agad namula ang mukha ni Nathalia at binato ng gamit na tissue si Hanna saka inirapan ito.

“yuck! Bastos kang gaga ka!” reklamo naman ni Hanna

Puro tawa lang naman ang nagawa ko dahil sa kabaliwan ng mga kasama ko.

“Tama na nga yan mga bungangera kayo! Napakaingay bwiset!” Kunwaring inis na sabi ko kahit ang totoo ay nagpipigil ako ng tawa.

Napatingin silang apat saakin at animoy nag iisip ng pang aasar.

“Aha! Nagsalita ang nakakamiss sa boss natin!” It was Hanna who shouted.

REALITY OF FICTIONS (On-Going)Where stories live. Discover now