CHAPTER TWENTY-ONE

106 10 27
                                    

HANNA'S POV

"Sure kayong iiwan natin doon si Nathalia at Zes?" puno ng pagkain ang bibig kong sabi.

Nandito na kaming tatlo nina Zhari at Thanny sa suit dahil kailangan ng privacy ng mga couple sa restaurant na iyon. Naputol tuloy ang balak naming pagkain sa resto dahil sa eksena ng mga bruha, lakas maka-bitter. Amp!

Umirap si Thanny "Hayaan mo na. Lumalandi ang mga ateng. Wala namang poreber."

Umingos si Zhari sa narinig "Ikaw Thanny! Sagad hanggang bones na iyang ka-bitteran mo ah.

"Pake mo?" sagot namang ng isa.

"May pake ako kasi konti nalang isasahog ka na sa pinakbet, masyado kang ampalaya flavor."

Hindi ko sila pinagtuonan ng pansin at kumain nalang. Marami kami ngayong pagkain dahil iyong inorder ng dalawang bruha kami ang kumain, whaha!

"Pakyu ka." Ingos ni Thanny at ipinakita ang gitnang daliri.

Napangiwi naman si Zhari "Kadiri ka talaga!"

"Aba! Painosente ang gaga! Eh kung padiligan kita kay Sir Rain?"

Nanlaki ang mata ng feeling inosente saamin "P-pati si Sir Rain dinadamay mo!"

"Oo naman! Tingin ko nga daks rin ang isang yon. Try mo kaya?"

"Blah blah blah! Wala kong naririnig!" nagtakip na ng magkabilang tainga si Zhari "Bakit ba kasi ako pumayag na sumabay sainyo? Parehong manyak!"

Sabay kaming napamaang ni Thanny at nagkatinginan.

"Sumusobra na tong animal na to ah!" mariing bulong sakin ni Thanny.

"Hayaan mo na. Tatanda yang virgin, pagtawanan nalang natin." Sagot ko naman.

Nag-cross arm ito at bumaling ulit sa kasama naming nakatakip parin ang mga tainga.

Hinawakan ni Thanny ang kamay ni Zhari at ibinaba para alisin sa pagkakatakip sa tainga nito.

"Hoy! Para sabihin ko sayo, wala kang choice kundi sumabay saamin. Bakit may date ka rin ba tulad nung dalawa? Bwiset na toh!" Padaskol na sumubo ng pagkain si Thanny.

"True!" sang- ayaon ko at nakipag-apir pa dito.

Masama ang tingin saamin ni Zhari "akala mo naman may mga date din. Eh Pakipot na ma-pride iyong isa, tapos assumerang umaasa naman yung isa." Bulong nito pero sapat na para marinig namin.

"Isa pa Zhari sasabunutan na kita!" inis na ani ko.

Isa pa tong bruha na toh! Hindi naman ako umaasa ah! Hindi rin assumera kasi totoo namang umamin saakin si Sir Zach! Ano bang mahirap paniwalaan doon?

O baka naman nagha-hallucinate lang ako non? Pero hindi eh! Totoo talaga. Tangina lang talaga tong mga kaibigan ko! Ayaw maniwala! Bakit? Malabo bang magkagusto saakin ang my love ko?

Ipapasipa ko tong mga to sa kapatid ko, pero mamaya na, lumalandi pa kasi si petra. Hahaha! Shhh lang, baka ako yung sipain eh.

"Lakas mang-real talk ah!" pasigang singhal ni Thanny.

"Totoo naman! Real talk nga diba? I'm just stating the fact." Ginaya nito si Nathalia sa kaartehan sa huling sinabi.

"Eh kung bigyan kita ng sa-fact gusto mo?" singhal ko.

"Baka fuck ang gusto niya hindi fact." Sarkastikong sabat ni Thanny.

"You guys so mean to me!" Nanggagaya nanaman nitong sabi.

REALITY OF FICTIONS (On-Going)Where stories live. Discover now