Kabanata II

202 42 10
                                    

Kabanata II

Amara Eunice

My knees are trembling as my hand still holds the part of his pajama on the ground. Nakasalampak pa din ako sa semento, hindi ko alam kung alin ang iindahin ko ang sakit na nagmumula sa tuhod ko o ang kahihiyan. Lalo pa't nandito kami sa gilid ng kalsada at may iilang sasakyang dumaraan.

Hindi pa rin siya gumagalaw, I swear gusto ko na lang na kainin ako ng lupa ngayon. Nanlalaki ang mga mata ko, ngunit agad din akong napapikit nang pag-angat ko ng tingin ay tumambad sakin ang sexy at maputi niyang mga binti. Mabuti na lang talaga at mahaba ang suot niyang hoodie jacket, kaya natatakpan nito ang suot niyang underwear.

"What.the.hell.did.you.do?" Mabibigat ang bawat salitang binibitawan niya nang makabawi sa pagkabigla at mabilis na isinuot ang pajama, kaya't mabilis ko itong nabitawan.

I can't see myself, but I know my face is as red as a tomato. Mabilis akong tumayo kahit na nararamdaman ko pa ang hapdi ng aking mga tuhod; his stare is as dark as the night.

Ilang kamalasan pa ba ang kailangan kong maranasan ngayong gabi. Grabe qoutang-qouta na ang kahihiyan ko sa harap niya. I just wanted to save him earlier, but now I can't save myself from shame.

"Waaahh, sorry talaga, promise hindi ko sinasadya," puno ng hiya kong paghingi ng tawad. I cover my face with my hands while shaking my head. Who wouldn't be right? I know it's just an accident, but I couldn't imagine myself undressing a man sa gilid ng kalsada.

"Follow me again, and I swear, hindi ko alam baka kung anong magawa ko sayo," napipikang wika niya, 'saka mabilis akong tinalikuran at naglakad palayo.

Alas dos na ng madaling araw, pero hindi pa rin ako makatulog. The incident earlier kept replaying in my head. I swear, my cheek is burning now. Hindi ko naman talaga sinasadya na mahubaran ko siya. Okay, it was just an accident, I swear.

Napatakip ako ng unan sa mukha at pinadyak-padyak ko pa ang mga paa sa kama nang maalala ko muli ang nangyari kanina.

——

My eyes widen when I see the time on the wall clock inside my room. Shocks! Late na ako.

Dali-dali akong bumangon ng kama, pero napakagat ako ng labi nang maramdaman ko ang kirot ng paa ko, dahil sa mga nangyare kagabi. Paika-ika akong pumunta ng banyo at mabilis na naligo. I saw some bruises on my arm. I wear my uniform at pinatongan ko ito ng manipis na jacket.

Kung kagabi ay magulo sa bahay, ngayon naman ay sobrang tahimik. Malaki nga ang bahay namin, komportable, but I can’t say that it is my home anymore.

I went outside the house, took a deep breath, and smiled as I faced the sunlight. Pinara ko agad ang dumaang taxi, dahil late na ako sa unang klase ko.

“Miss bayad mo!" Napahinto ako sa akmang pagtakbo nang sigawan ako ng taxi driver. Nakalimutan ko palang magbayad ng pamasahe.

“I’m sorry, Kuya, nagmamadali kasi ako nawala po sa isip ko. Here po, keep the change na lang.” Bigay ko sa 500 peso bill at iika-ikang tinakbo ang gate.

“Magandang umaga Amara, mukhang nagmamadali ka ngayon ah,” nakangiting bati sa ’kin ni Manong guard.

“Good morning too, Manong! Late na po ako sa klase eh."

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now