Kabanata VIII

148 26 0
                                    

Kabanata VIII


“Babe, I’m really, really sorry!" Habol ni Amara kay Jared nang makita niya ito sa hallway, kahapon pa kasi siya nito iniiwasan. Hindi rin sinasagot ang mga texts o tawag niya. Wala na siyang pakialam kung may makarinig o makakita man sa kanilang dalawa ngayon. Hindi na rin nan, kasi tumigil ang bulong-bulongan tungkol sa relasyon nila.

Hindi siya nito pinansin; tuloy-tuloy lang ito sa paglakad na parang walang naririnig. Nakatanggap siya ng matatalim na titig mula sa mga estudyanteng nadaanan niya, marahil ay dahil sa pag-habol niya kay Jared.

“Jared, please hear me out!" Pag-makaawa niya.

“Kapal naman ng mukha para habolin pa si Captain.” Narinig niyang sabi ng isa sa mga babaeng nadaanan niya.

“Parang anghel tingnan, pero nasa loob naman ang kulo. Siya pa talaga may ganang mag-loko no?”

Napakunot ang noo niya dahil sa sunod na narinig. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Imposible dahil hindi naman siya manloloko. Hindi niya na lamang ito pinag-tuonan ng pansin sa halip ay hinabol na lamang ang nakalayo ng si Jared.

“Where are you going?”

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi nang makasalubong si Fourth, at marahan nitong hinablot ang kaniyang braso. Paano ba niya maiiwasan ang kabuteng ito, kahit saan na lang kasi ay nandito ito. Alam niyang wala naman itong ginagawang masama sa kaniya, pero dahil dito ay palagi na lang silang magka-away ng kasintahan.

“I’m sorry, Fourth! But, please just stay away from me.” Nakokonsensiya niyang binawe ang braso mula dito. Nakita niya pa ang pag-kunot ng noo nito, bago niya ito iwan para habolin si Jared.

She dialed her boyfriend's number, but hindi ito sumasagot. Napangiti na lamang siya ng mapait nang makita ito, ‘di kalayoan sa kaniya. May kausap na isang magandang babae. Nakita niyang binulongan ito ng kaniyang boyfriend at sabay nagtawanan ang dalawa.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib, at huminga ng malalim. Pamilyar sa kaniyang ang ganitong pakiramdam.

“Mara, ayos ka lang?”

Napa-angat siya ng ulo, at nakita ang nag-aalalang mukha ng kaniyang kaklaseng si Jamie. Kinagat niya ang loob ng kaniyang pisnge bago sumagot ng nakangiti rito.

“O-oo, Jamie, ayos lang ako. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Tiningnan niya muna ang kaharap na building, bago ibinaling muli ang tingin kay Jamie.

Napansin niya ang pag-lungkot ng mukha nito, kasabay ang pagkawala ng malalim na buntong hininga. Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha nito.

“Okay lang kung ayaw mong sagutin,” paniniguro niya. Niyaya niya na itong mag-lakad. Tapos na rin naman, kasi ang klase nila. Sinulyapan niya munang muli si Jared na kausap pa rin iyong babae na ngayon ay naka-angkla na ang braso sa kaniyang kasintahan.

Hindi niya na mawari ang nararamdaman. Itinuon niya na lamang ang kaniyang atensiyon sa pag-lalakad.

“Galing ako sa accounting kanina,” nabaling ang kaniyang tingin sa kaklase nang mag-salita ito. “Hindi raw ako makakapag-midterm next week, hangga’t hindi ko nasesettle iyong tuition fee ko,” pagpapatuloy nito.

“Hindi, ako puwedeng hindi makapag-midterm kasi kailangan kong makapag-tapos ng pag-aaral. Ako lang ang tanging inaasahan ng pamilya kong makapag-ta-tapos ng pag-aaral.”

Nakita niyang may kumawalang luha sa mata ng dalaga, kaya nataranta siya sa pag-kuha ng kaniyang panyo sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon, at ibinigay kay Jamie. May kung anong tumutusok sa kaniyang puso, nang marinig ang sinabi nito.

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now