Kabanata V

115 27 0
                                    

Kabanata V

 

Amara Eunice

My cheeks are burning red when my eyes dart at Mr. Hoodie. Nakatayo lang siya while crossing his arms on his chest, habang pinapanood ang paglagay ng benda ng school nurse sa namamaga kong paa.

It's been a week since the last time my foot got sprained, but ngayon ko lang napatingnan ang paa ko, kung kailan namamaga na talaga ito.

“Thank you so much, Miss Aemy.” Nakangiti kong pasasalamat sa school nurse namin.

"Oh, ipahinga mo muna ang paa mo ha, and it would be better kung may susundo sa iyo ngayon.”

Napatingin ulit ako kay Mr. Hoodie na blanko lang ang mukha na nakatitig sakin.

“Call your boyfriend,” said Nito. Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya. Ayokong makaabala kay Jared o kahit na kanino.

“A-ahm.. Thank you for carrying me here, Mr. Hoodie. Kaya ko na ang sarili ko. You can go back to your training now.”

Umiwas ako nang tingin dahil nahihiya ako sa kaniya, binuhat niya kasi ako sa likod kanina papunta rito, and it gets the students attention. Kanina ko pa kasi siya pinapabalik sa field dahil alam kong may practice siya, pero ayaw niyang bumalik.

“Will you please stop being hardheaded? Stop acting like a strong, independent woman, because you’re not.” Inalalayan niya ako sa paglalakad palabas ng clinic.

“You right, but you really don’t know me, Mr. Hoodie. I am Amara, a strong independent, uniqueca hija na magbibigay sa’yo ng ngiti at ligaya!" Masigla kong wika at nilagay pa ang magkabilang kamay sa ilalim ng baba ko at nagpacute sa kaniya.

And as usual, pinagkunotan niya lamang ako ng noo at inirapan. Ang hirap hirap naman niyang pangitiin. Napayuko ako, iniisip ko kasi kung gaano ba kabigat ang pinagdadaanan niya at parang napakadilim lagi ng buhay niya. I feel like he needs someone he can lean on, para hindi niya na ulit tangkain pang magpakamatay.

——

Nakakunot lamang ang noo ni Fourth sa nakayukong dalaga. Alam niya sa sarili niyang hindi niya ito obligasyon, ngayon niya nga lang nalaman na Amara pala ang pangalan nito. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili dahil parang may nagdidikta sa kaniya na he needs to look after her dahil tatanga-tanga ito lagi.

Alam niya, kasing hindi naman seryoso ang kaklase niya sa pakikipagrelasyon dito, and he knows how pure her heart is. Pero ano namang pakialam niya kung niloloko lang ito ni Jared? Maybe somehow she reminds him of his sister, who just died a month ago.

“Mr. Hoodie may joke ako,” ngumiti ito nang malapad sa kaniya. Kitang kita ang saya sa mata ng dalaga na para bang nasasabik itong ipahayag ang joke na nasa isip niya.

“What?" His forehead creased.

“Kapag napatawa kita sa joke ko, babalik ka ng field para magtraining.” Gusto niya na kasi itong pabalikin sa practice at ayaw niya talaga nang may naaabala dahil sa kaniya.

“And if not?" Pakikipag-negotiate niya rito.

“Ililibre kita ng isaw ni kuya Bok, doon sa may kanto promise masarap iyon.” Napapalakpak pa si Amara nang sabihin niya ito.

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now