16. Humiling Ako

58 0 0
                                    

Humiling ako nang mainit na panahon
Ngunit hindi ko inaasahang umulan ngayon
Hinihiling na mabalikan pa ang kahapon
Kung mayroon pang pag-asang aahon

Humiling ako nang tag-araw
Sapagkat puro na lang tag-ulan
Hinihiling na masilayan man lang ang ilaw
Kung baka sakaling ako'y iwanan

Humiling ako ng bughaw na langit
Bagkus ito'y tinakpan ng madilim na ulap
Hinihiling na ngayo'y maulit
Ang lahat ng iyong pagsisikap

Humiling ako ng ulan sa huling pagkakataon
Pero dumilim lang ang nangyari at hindi iyon
Hinihiling ko na sana'y magkatotoo
Na sana'y tadhana pa'y hindi na manlito

Ngayon hiniling ko
Na sa huling pagkakataon pag-ibig nati'y magkatagpo
Sa paulit-ulit na pagdanak ng dugo
Sisilay bukas ang bagong tayo

Unsaid WordsWhere stories live. Discover now