20. Pagsisisi

46 0 0
                                    

Sinabi mo sakin mahal mo 'ko
Pero hindi naman pala totoo
Sinabi mo saking ako lang
Pero ngayon meron ka nang bago

Sinabi mong hindi mo ko iiwan
Pero ginawa mo rin naman
Palagi mong sinasabing ito'y magpakailanman
Pero pinaniwala mo kong hindi naman

Sinabi mong may pakialam ka
Pero ba't mo 'ko iniwang lumuluha
Ikaw ngayon ang dahilan
Kung ba't ako magpapaalam

Napagtanto kong wala kang kwenta
Pinagmukha mo lamang akong tanga
Iniwan mo kong bigo
Ang tiwala ko sayo'y naglaho

Sinigurado mong ako'y pirapiraso
Napakapabaya mo talagang tao
Pinaniwala mo kong mayroong walang hanggan
Pero ang mahalin ka ay akin nang pinagsisisihan

*****

This is the Tagalog version of "Regrets".

Unsaid WordsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora