"Ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko rin." Para sa mga taong iniwan, niloko at hindi trinato ng tama... Hindi ka kulang, sapat ka. Hindi ikaw ang may mali, sila ang may kasalanan. Si Cristina Shane Santos, babaeng kagagaling lang sa hiwalayan. Maraming napagtanto, nalaman, at naramdaman. "Am i not enough?" Iyan ang linya na laging nasa isipan niya. Isinaisip na niyang siya ay malas sa buhay ng iba. Siya ang problema ng iba. Ngunit sa kabilang banda... naiisip niya ring siya ba talaga ay isang problema o ito ay dahil lang sa ex niyang gumugulo sa kaniya? Marami siyang kaibigan, maraming nagmamahal sa kaniya. Pero bakit hindi pa rin mawala sa isip niya na siya ang problema? Grabe 'no? Iba ang atake ng panloloko sa buhay ng isang tao. "Isang beses lang nangyari... pero habang buhay mong dadalhin." Started: 04/06/24