Chapter 9

14 1 0
                                    

Crisha's POV

"Crisha, what if gawin na lang natin yung activity natin after class. Ganun kasi si Mela at Red e..." Wala sa sariling tinignan ko si Miro.

Nandito kami ngayon sa room, parehas kaming maaga pumasok.

Mugto pa ang mga mata ko, alam ko yun ngunit wala akong pake. Nasasaktan ako.

"Ikaw bahala, ngayong araw na ba?" I asked him.

"Uhm... oo, sana... kasi friday na ngayon. Kung gusto mo naman, pwedeng call na lang tayo. Kung okay lang." Sagot niya sakin.
"After class, tara." Malamig na sabi ko sa kaniya.

"Crisha..." pag tawag niya sa pangalan ko.

"Kung mag kukuwento ka ng about sa nangyari kahapon o may idadagdag ka pa sa chismis mo, wag mo muna akong kausapin." Masungit ang naging pag sagot ko sa kaniya.

Sobrang sakit. Ang sakit-sakit. Hindi totoo yun... tangina, guhong guho na ako.

"Gusto ko lang sabihin na, nandito ako. Pwede ka umiyak ngayong umaga habang tayo pa lang... kanina mo pa gustong umiyak. Ilabas mo yan." Sabi niya sakin na halatang concern dahil sa nangyari kahapon.

I can feel that he's really concerned...

Someone cares about me...

Thank you, Miro.

Hindi na napigilan ng luha ko ang pag tulo nito. Galit ang nangunguna sa akin ngayon. Hindi ko maisip na ganon ang magiging action ni Austin. Alam kong maayos kaming nag hiwalay. Pero bakit siya ngayon?

Isa pa si Ivy, alam kong umamin siya kay Austin noon kaya kahit isang beses ay hindi ko siya magawang maka-close. At hindi ko magawang maisip na magiging kakampi niya ang mga babaeng pinag seselosan ko noon. (Ang mga kaklase niyang halos pumasok na sa relasyon namin para mapansin ni Austin, si Ivy na may gusto sa kaniya, at si Cheslie.)

"M-miro..." tawag ko sa kaniya habang umiiyak.

"Sinaktan nila ako." Para akong bata na nagsusumbong sa kaniya ngayon.

Wala akong pake sa kung ano ang itsura ko pero humagulgol na ako.

Niyakap niya ako.

"Crisha, alam kong saglit pa lang tayong mag kaibigan... hindi ko alam ang buong kwento. Pero, wag mo namang isisi sa sarili mo ang lahat."

"Sa'yo kami maniniwala at hindi sa iba... nandito ako, nandito kami."

"Maraming nag mamahal sa'yo, Crisha."

Iyan ang mga linyang binitawan ni Miro bago niya alisin ang pagkakayap niya sa akin.

"Thank you, Miro. Tangina ang weird ko ba HAHA." Umiiyak pa rin ako ngunit pinilit kong tumawa.

"Crisha, kahit ilang beses ka pang umiyak o mag open ng problema mo sa harapan ko... ayos lang sakin." Saad niya.

"Oo na, basta hindi ikaw ang mag papaiyak sa akin. Sasaktan kita, suntukan tayo!" Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Bakit naman kita papaiyakin?" Tanong niya sa akin.
"Wala!" Pagtataray ko sa kaniya.

Habang nag pupunas ay di ko maiwasang mag isip...

Jusko! Hindi ko dapat iniiyakan ang ganon dahil malinis ang konsensya ko.

Pero sabi ni mommy...

"Iiyak mo lang lahat, mawawala rin iyan."

-
"Binilhan kita ng choco mucho." Nakangiting saad ni Rianna.

Hindi ako sumama sa kanila na bumaba dahil sigurado akong may mga HUMSS sa canteen. (Ayaw kong mapag chismisan.)

Enough (Unexpected Love Series #1)Where stories live. Discover now