Chapter 11

9 1 0
                                    

Crisha's POV

"Na-curious lang e!" Sabi ko habang naiinis sa kaniya.

"Joke lang HAHAHA. Huwag ka na mainis" sabi niya at inirapan ko na lang siya.

Tumatawa pa rin siya!

"Crisha, anong standards mo sa lalaki?" Tanong niya.

"Chinito, matangkad, maputi, matalino, mabait, may emotional intelligence at mayaman!" Sabi ko sa kaniya habang tumatawa.

Pero bakit parang nilarawan ko lang siya?

WTF IS HAPPENING TO YOU, CRISHA?!

"Ang hirap namang hanapin ng type mo!" Sabi ni Miro na natatawa kasi hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Talaga! Lahat yan, kabaliktaran ng EX ko!

"Type C ang charger ko!" Biro ko sa kaniya.

"Same tayo!" Dagdag niya sa biro ko.

Sabay naman kaming natawa.

Tinitignan ko siya habang tumatawa. Noong una aakalain mo na ang isang Michael Rion ay masungit. Cold person kumbaga, pero hindi pala.

Hindi siya makulit kagaya ng tatlong asungot kong kaklase (JD, Lionel at Red) pero nakakasabay siya.

I love it!

Huh? Gago ka pala e!

"Huy, Crisha. Sabi ko parang may nilarawan ka lang." Sabi niya at tinapik ako. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya.

"A-h, wala! Ganon lang talaga mga type ko. Pero ngayon, wala pa akong masabi kung may kilala akong ganyan." Sagot ko habang nahihiya.

"Eh ikaw? Anong standards mo sa babae?" Pag iiba ko ng usapan.

Crisha, nakakahiya kang gaga ka!

"Ahhh, kung kanino mahulog ang loob ko pero given na yung matalino, maganda, at kaya kong masabayan. May EI din dapat." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Wow, ganyan pala ang mga lalaki pag dating sa standards?

"Kung kanino mahulog ang loob ko."
Bakit ko ba iniisip yan?! Ihulog ko siya sa kanal e!

"Edi ayos kung ganyan! Swerte naman ng magiging gf ng isang Miro HAHAHA." Biro ko sa kaniya.

"Swerte rin naman yung sayo?" Dagdag naman ni Miro sa sinabi ko.

"Paano? Swerte? Patawa ka naman." Sabi ko habang iniisip na malas ako sa buhay ng isang tao.

"Yung ex ko, si Austin... sabi niya sa akin noon dahil sa akin naibagsak niya ang isang subject, hindi siya nakakapaglaro ng CODM, hindi niya nagagawa ang gusto niya, hindi siya naging masaya. Na binigay ko naman lahat, pero kulang. Hindi sapat."

"Dahil sa kaniya... inisip kong malas ako sa buhay ng lahat ng tao. Kaya maingat ang galaw ko, kasi aminado akong malas ako."

Labas sa ilong na sinabi ko.

Mali naman talaga si Miro, hindi ba?

Ito, ito yung pakiramdam na habang buhay kong dala-dala matapos akong iwan ni Austin.

Gago.

"Wala kang kwenta! Ikaw ang malas sa buhay ko! Dahil sa'yo nagkagulo-gulo. Yung gusto mo, gusto mo na lang!"

"Hayop ka! Tangina ka!"

"Wala kang kwenta, putangina mo."

"Umalis ka na, hayop kang babae."

Enough (Unexpected Love Series #1)Where stories live. Discover now