Prologue

48 2 0
                                    

Am I not enough?
Am I not worth it?
Hindi ba ako magaling?
Bakit hindi man lang ako magawang i-appreciate ng ibang tao?

Yan ang mga tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kisame ng aking aking silid. Matapos gawin ang lahat ng kinakailangan para bukas. Grabe! Nakakapanghina at nakakapagod talagang mag aral! Pero, kampante na ang isip ko dahil makakapagpahinga at makakatulog na rin.

Weh? Makakatulog? 'Di ka sure oy! Mag o-overthink pa tayo! At ito na nga, nagparamdam na naman ang kalaban ko. ANG PAG O-OVERTHINK!

Pagod na ako.

Pagod na ako sa tinahak kong course. Pagod na akong mag accounting! Ayaw ko na maging CPA! Pagod na akong mag aral. Pagod na akong kwestyunin ang sarili kung talaga bang tama ito.

Tama bang pinipili pa rin kita? Matapos mo kong saktan at paiyakin. TEKA NGA, BAKIT TAYO NAPUPUNTA SA KANIYA?!

Kung saan-saan na napupunta ang aking isipan ngayong gabi! Naiinis na talaga ako sa sarili ko! Parang every night kailangang mag isip eh! Nakakagalit pero wala. Sarili ko 'to. Kasalanan ko 'to. "Ang tanga mo Crisha."  Ayan na lang talaga ang naibulong ko sa sarili ko. Oo. Tanga ako. Tanga akong mag desisyon. Hindi pinag-iisipan at padalos-dalos.

Ring* ring*

Nagulat na lang talaga ako nang may biglang tumawag at jusko! Sa number pa? SA NUMBER KO TUMAWAG? WALA AKONG PINAGBIBIGYAN NITO AH!!!

Eh sinong tatawag sa akin ng ganitong oras? Bulong ko sa aking sarili habang nag hahalo ang kaba at kuryosidad kung sino bang tatawag.

"Sino ba kasi itong paepal na 'to? Bwct ah."
Bulong ko sa sarili dahil na ba-badtrip talaga ako.

Jusko, istorbo sa pag o overthink ko.
Nakakabadtrip talaga ang mga tao. Ang papangit na nga, nakakabadtrip pa!

"Hello?"

Huh? Bakit? Bakit tumatawag si Miro? AT PAANONG NA SA KANIYA ANG NUMBER KO?!

Enough (Unexpected Love Series #1)Where stories live. Discover now