06: Tahanan

106 2 1
                                    

Nakahiga, nakadapa, nakatayo, o maski nakaupo,
Kahit pa anong p'westo ang gawin ko,
Sa bawat minuto na lumilipas sa buhay ko,
Ikaw pa rin ang iniisip ko.

Katangahan, karupukan, kabaliwan,
Mga salitang naririnig ko sa kanila,
Dahil sa sinabi kong,
Mahal kita.

Handa kang yakapin kahit na masaktan,
Sakit na tila yumayakap ng matitinik na halaman.
Mga tinik na tila tumatarak sa puso ko,
Ngunit ng isabi ko sa iyo na nasasaktan ako
Ang sagot mo ay, anong pakialam ko?

Mahal ko, ako ang liwanag sa dilim mo
Nakalimutan mo ako ng mahanap mo ang araw mo
S'ya ang araw mo habang ako ay nananatiling buwan mo
Na magbibigay ng liwanag sa gabi mong madilim
Ngunit sadyang hanap mo'y araw na marikit

Hindi mo na muling masisilayan ang mga ngiti ko,
Hindi mo na rin muling mararamdaman ang init ng yakap ko.
Paalam aking tahanan,
Pagod na ang iyong paraluman.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now