08: Sundo

67 0 0
                                    

Bumalik ako,
Upang ika'y sunduin.
Kadilima'y nabalot sa akin.
Ika'y aking gagambalain.

Sa gabi'y 'di ka patutulugin,
'Pagkat ako'y may misyong tutuparin.
Misyong ika'y sunduin.
Takutin ka'y aking gagawin.

Sa labas ng bintana,
Kapag takip-silim, ika'y hihintayin.
Gulatin at takutin ay aking gagawin.
Upang makapasok sa iyong silid.

Pag kontrol sa iyo ay akin ding gagawin,
Upang ika'y makitilan ko ng hininga,
Upang may kasama, sa misyong gagawin.
Misyong humanap ng taong malungkot
At nais kitilin ang buhay.

Maging ikaw ay alam kong nais ng mawala.
Nais mo bang sumama?
Ako'y nag-iisa, walang kasama.
Nanaisin mo rin bang gawin ang aking gawain?

Dahil kung oo, hintayin mo ako.
Sa ilalim ng kama o labas ng bintana,
Ako'y abangan mo,
Naroon ako, naghihintay sa iyo.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now