15: Pahina

33 0 0
                                    

Ako'y natutuwa
Kapag nakikita
Iyong mga mata
Na kung kumurap animo'y isang tala

Ang paborito kong pahina
Ikaw ang gusto kong paksa
Sa mga sinusulat kong nobela

Ang aking pantasya ay kay ganda
Doon ay kasama kita
Hinihiling na sa reyalidad
Nasa tabi na kita

Ayokong isarado ang pahina
Na ating sinulat at pinagsama.
Masakit isipin
Ngunit heto na tayo sa puntong
Mawawala na ang ikaw at ako.

Bakit ba kay daya mo?
Sabi mo ay maghihintayan tayo
Bakit nagkaroon ng kayo?
Tuluyan na ba talagang maglalaho ang salitang tayo?

Irog ko, ikaw pa rin ang paboritong pahina ko
Sa masakit na mundo, ikaw lang ang pahinga ko
Mapapagod ako pero hindi sa 'yo
Napapagod na ako sa mundong ginagalawan ko
Pero mananatiling ikaw ang pahingahan ko

Kahit pa iba na ang tahanan mo
Nais ko pa ring umuwi sa 'yo
Kahit pa alam kong ang puso mo'y iba na ang gusto
Kahit pa batid ko ring iba na ang inuuwian mo, iba na ang tahanan mo

Naghihintay pa rin akong magbukas ang puso mo
Para sa isang gaya ko
Sinta ko, pangalan mo pa rin ang naririnig ko
Sa tuwing tumitibok ang puso ko

Hindi ko man magawang palayain ka
Pero wala akong ibang pamimilian kundi ang ipaubaya ka
Nawa'y maging masaya ka sa kan'ya
Magiging masaya ako para sa 'yo
Lalo na't alam kong s'ya ang kasiyahan mo

Heto pa rin ako, humihiling kay bathala
Na sana sa susunod na habang-buhay
Tayo naman ang maging masaya at nang ating matapos ang sinusulat nating pahina.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now