35: Reyalidad

22 0 0
                                    

Sa nakakabinging katahimikan
Nababalot ako ng napakaraming katanungan
Hindi ko batid kung paanong ang mga tao ay patuloy na naglalakad, tumatawa, at naghihiyawan
Hindi ko mawari kung bakit nananatili ako sa isang mundo

Kung saan hindi ko alam ang dahilan ng aking paglaban
Gaano ko man kagusto sumuko
Tila may isang bagay na sa akin ay nagpapahinto
Nais kong humingi ng saklolo

Ngunit sa bawat hakbang na aking ginagawa
Patungo sa isang tao mula sa k'wartong ito
Hindi maproseso ng utak ko
Ngunit walang mukha ang lahat ng naririto

Napapatanong tuloy ako sa sarili ko
Kung patay na ba ako
O kung patay na ang mga kasama ko rito
Siguro'y nasa mundo ako kung saan ako'y napapalibutan ng mga taong patay

Ngunit pinapakita ang saya sa bawat lungkot na mababasa sa kanilang mga mata
Tila isang mundo
Kung saan lahat ng emosyon ay nakatago
At siguradong mapapatanong ka kung lahat ba ng makikita mo aty totoo

Sa isang napakaliit na mundo
Sa napakalaking k'wartong ito
Kailangan mo ng isang taong maniniwala sa'yo na kaya mo
Hindi mo ito mahahanap sa kahit saan
Dahil kalaunan ay mapapagtanto mong sarili mo ang iyong kailangan.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz