CH04: Sweater Vest

256 45 6
                                    

"Hii..."

"Um... I didn't expect to meed you here... again.." saad ni Jared na para bang kabado din sya

"Hala, kilala mo talaga pre?" saan ng mga groupmates nya sabay tawa

"Ahh oo, nakilala ko sa Thrift Store habang namimili ako ng black t-shirt" sagot naman ni Jared

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa tawa ng mga kagrupo nya, hindi lang kasi ako sanay na may tumatawang grupo ng magkakaibigan sa harap ko..

"Hala si anteh hindi na nagsalita" pabiro namang sabi ni Dominic sakin

Sa sobrang kabado ko hindi ko na napansin na nakatitig na pala ako kay Jared ng ilang segundo na, anobaaaa!!!

"Ay. Sorry HAHAHA" kabado kong sagot

Mabilis yung tibok ng puso ko, nang biglang may bumusinang sasakyan na ikinagulat ko pa, nilingon naman ito ni Jared at ng mga kagrupo nya

"Uy pre, anjan na sundo natin, tara inom sa bahay" saad ng isa nyang kagrupo

Tinignan naman ako ni Jared bago sya sumagot

"Uh... mauna na kayo, I'll just have my business right here" saad nya naman sa mga kaibigan nya

"Okayy, basta bumalik ka lang before mag 5PM, papagalitan ka ni Sir Gerald" sabi naman ng kagrupo nya

Sabay sabay na tumayo ang mga kagrupo nya at naglakad papunta sa sasakyan na sumundo sakanila, hindi ko alam dahilan bat nagpa-iwan si Jared.. but here we are, wala na'ko magagawa

"Love!" sigaw ni Tyler na ikinapukaw ng atensyon naming tatlo ni Dominic at Jared

"Uy love, may pasok kayo after lunch?" tanong ni Dominic kay Tyler

"Ah wala, half day lahat, tara labas tayo" saad ni Tyler kay Dominic

"Ahh sige!! Oh Kuya Jared ikaw na bahala jan sa Mac, kaya na nya sarili nya" pabirong sabi naman ni Dominic kay Jared

Kasunod non ay ang pag-alis ni Dominic at Tyler.. naiwan kaming dalawa ni Jared sa backstage, hindi ko alam kung kikibo ba ako o yuyuko nalang, nakakahiyaaa!!

"Yuyuko ka nalang ba?" tanong sakin ni Jared

Tinignan ko lang sya at hindi ako sumagot, hindi ko talaga alam pano iha handle yung sitwasyon kooo!

"Wag ka na mahiya, para kang ewan jan, lika sama ka sakin pupunta ako dun sa tabi ng Second Gate, may nagtitinda don ng Ice Cream eh, stress reliever ko yun" saad naman ni Jared sabay ngiti

Hindi padin ako sumagot ngunit nginitian ko nalang sya, kasunod nito ang pag akbay nya sakin at sabay na kaming naglakad papunta sa Second Gate ng School.

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng babae, isa-isa din silang nagpapapicture kay Jared, jusko, pupunta kang kaming Second Gate aabutin pa ata kami ng dalawang oras, pakiramdam ko dun pinag-uusapan kami, bakit kasi kailangan naka akbay sya sakin eh..

Pag labas namin ng Second Gate ay agad naman kaming napalibutan ng mga followers nya sa FB, nagpapapicture sila, dahil sa mejo madami yung tao, nagkakatulakan na, nasa tabi pa man din ako ni Jared kaya naiipit ako, ngunit napansin din ata ni Jared yon.

Agad akong pwinesto ni Jared sa harap nya sabay hawak sa bewang ko at hinila nya ako para madikit sakanya.

"Sandali masyado madaming tao, dito ka kang sa harap ko, matutulak ka" sabi ni Jared sakin

Tinignan ko sya at nakita ko sa mukha nya na mejo stressed sya sa dami ng tao na nakapalibot samin, para ngang gusto nya mag reklamo eh HAHAHAHAHAHA. Pero putek kinikilig ako!! Na backhug ba naman ako ni Jared (>-<)

SWEATER VESTWhere stories live. Discover now