CH05: A side of Jared

253 45 2
                                    

!! Beeeeeeep !!

Kausnod ng malakas na busina ay sya namang pagliko muli ng Tricycle na aking sinasakyan, kasabay naman nito ay syang pag preno ng Tricycle driver na naging dahilan ng pagka untog ko sa kaliwang bahagi ng aking sinasakyan.

Agad naman akong nawalan ng malay, ngunit agad din akong nagising sa ingay ng mga tao.

Naaninag ko ang Tricycle Driver na syang nagmamaneho ng sinasakyan ko, nakita kong may kasagutan sya.

"Kuya why did you even think to turn here?? This lane is obviously made for Trucks and Cars!" saad ng kaaway nya

"Pasensya na Sir, may pusa po kasi na biglang tumawid, ayoko namang masagasaan" sagot ng Tricycle driver

"Look, i understand, but you could've just turned right, hindi dito sa lane na to, buti hindi pa mabilis magpatakbo yung driver ko considering nagmamadali kami" sagot ng kasagutan ng Tricycle Driver

Sinilip ko naman kung sino ang lalaking kaaway ng Tricycle Driver. Dahil sa liwanag ng head light ng sasakyan ay hindi ko gaanong makita.

"Teka, familiar yung suot nung lalake ah" sabi ko sa isip-isip ko

Dahan-dahan naman akong bumaba ng Tricycle para makita kung ano ang nangyayare sa kanilang sagutan.

"Teka... Mackie!?" pagulat na sabi ng kaaway ng Tricycle Driver

Agad naman akong tumingin dito.

"Jared?" mahina kong sabi

Kaya pala Familiar yung damit, suot suot nya yung Sweater Vest na pinili kong bilhin nya kanina, di nya suot yun kanina nung magkasama kami ah.. by the way, mejo nahihilo pa kasi ako at that time kaya hindi ako energetic, maaksidente ka ba naman, i mean, almost.

"Sh*t! Come here" saad ni Jared sabay lapit sakin

Agad nya naman akong inakbayan at tinulungan maglakad papunta sa kanyang kotse. Bago pa man kami pumasok ay nagsalita si Jared.

"Kuya, can you please move? Nagmamadali kasi talaga kami, don't worry Kuya, hindi naman po ako galit" saad ni Jared sa Tricycle Driver

Kasunod naman nito ay ang pag alalay sakin ni Jared para makapasok ako sa kotse nya.

Pagka-upo ko ay agad nya akong tinanong.

"Mackie saan ba bahay nyo?" tanong nya

"Kala ko ba nagmamadali ka?" tanong ko sakanya

"Alam mo pala, sabihin mo na ngarod kung saan ka nakatira" saad nya naman

Wala nakong nagawa kundi sabihin yung address ko, parang stressed din sya even though ang saya saya nya lang nung kasama ko sya kanina, anong meron?

Ilang minuto palang ang nakalipas ay naramdaman kong sumandal sya sa balikat ko, tinignan ko sya at nakita kong tulog na sya, baka kaya siguro wala sya sa mood, kasi pagod na talaga sya..

Nakita ko naman ang jacket nya sa kabilang parte ng inuupuan ko, agad ko itong kinuha at ikinumot kay Jared.

Agad ko namang naisipang kausapin yung Driver nya.

"Kuya, ano po ba talaga nangyare dun sa four lanes kanina?" tanong ko kay Kuya Driver

"Ah.. kung hindi mo po kasi alam Sir, nagmamadali talaga si Sir Jared, buti nga nadaanan ko sya habang pabalik ako sa dorm nila, nag balik kasi ako ng mga gamit sa boss ko, eh unexpected naman po yung pagliko ng Driver na yun, muntik ko mabangga" paliwanag ni Kuyang Driver

"Ahh..." mahina kong sagot

"Alam mo Sir, ikaw palang isinasakay ni Sir Jared dito sa sasakyan nya." saad ni Kuya Driver

"Does that make me special po?" tanong ko naman

"Oo Sir, sa lahat ng naging partner nya, ikaw kang isinakay nya dito" saad ni Kuya Driver

Agad naman akong nabigla sa sinabi nya, akala nya ata Boyfriend ko si Jared.

"Ah Kuya, hindi nya naman po ako partner, kaibigan nya lang po ako" paliwanag ko naman

"Aysus" saad ni Kuyang Driver sabay tawa ng mahina

"Tsaka parehas kami lalaki Kuya, why would you think that?" tanong ko naman sabay tawa ng mahina

"Aba'y sino bang nagsabi na hindi sya pumapatol sa lalake Sir?" sagot ng Driver sabay taw

TH? Bisexual si Jared?

"What do you mean Kuya? Nagkakagusto po ba sya sa lalake?" magkasunod na tanong ko kay Kuyang Driver

"Sa parehas na Gender Sir, babae at lalaki, may tawag dun eh.... Ah! Bisexual, yun ata Sir" sagot ni Kuyang Driver

"Pano nyo naman nasabi Kuya?" pahabol na tanong ko

"Sir, nagkaroon na ng partner yan si Sir na lalake, dalawa.. Limang Babae, Dalawang Lalake" saad ni Kuyang Driver

Hindi na ako sumagot at agad kong tinignan si Jared.

"May tinatago ka pala huh? Kaya ba ganuto trato mo sakin? Type mo siguro ako" sabi ko sa aking isipan

Nagpatuloy ang pagda drive ni Kuyang Driver papunta sa aking tirahan, samantalang ako naman ay iniisip parin ang mga sinabi ni Kuyang Driver.

"So maybe hindi ako pinaglalaruan ni Jared, baka gusto nya talaga ako." "No girl, masyadong pogi si Jared, hindi ka nyan magugustuhan." pagdedebate ng aking isipan.

Para naman hindi ako masyadong mapaisip ay ikinalma ko ang aking sarili, isinandal ko naman ang ulo ko sa ulo ni Jared habang sya ay nakasandal sa balikat ko.

(12 minutes later)

"Sir andito na po tayo" saad ni Kuyang Driver

Naka-uwi na din sa wakas!

"Jared, Jared!, Jared!" pag-gising ko kay Jared na sobrang himbing ng tulog

"Po?" sagot naman ni Jared

"Bababa na po ako, andito na tayo sa bahay namin" saad ko sakanya

"Ah sige sige" sagot ni Jared

Agad naman nyang binuksan ang Pinto at bumaba para mas maluwang ang aking dadaanan pababa, bago pa man din ako pumasok sa bahay ay tinignan ko si Jared.

"Jared, Thank you!! Ingat kayo ha" pasasalamat ko

"No problem" saad ni Jared sabay ngiti habang nakatingin sakin

Agad naman akong tumuloy sa pagpasok sa bahay namin, kasunod nito ay ang tunog ng Kotse ni Jared na papaalis na.

"Mackie!" sigaw ni Mama

Nilingon ko sya bigla, nakita ko syang nakatayo sa harap ng pinto na para bang galit.

"Anong oras na!!" sigaw ni Mama

"Uhhhh...."

SWEATER VESTWhere stories live. Discover now