CH14: Dance Studio

241 36 7
                                    

Matapos kong sagutin si Jared sa kaniyang panliligaw ay namasyal kami hanggang gabi para daw ma celebrate nya yung matamis kong "Oo". Inabot kami ng 11:50PM °•°

[Thursday Morning at 10:28AM]

"Mackie! May balak ka pa bang bumangon jan? Ang late nyo na umuwi ni Jared tapos ngayon di ka maka bangon jan" sermon sakin ni Mama na naging dahilan ng pag-gising ko

Agad naman akong bumangon sa higaan ko at lumabas ng kwarto.

"Kaaga-aga naman Mama e" saad ko

"Panong di ako magagalit, hindi ka na naka pasok dahil napuyat ka" sermon ni Mama

Oo pala, hindi nya pa alam yung tungkol sa offer ni Sir Gerald sa'kin, i mean, samin ni Jared.

"About that Ma, may sasabihin sana ako" saad ko

"Oh? Ano yon?" tanong ni Mama

Pina-upo ko naman sya at nag-usap kami.

"Ano ba yung sasabihin mo at kailangan naka-upo pa ako? May ginagawa ako" saad ni Mama

"Ma wait lang kasi. I'm free from school for now" saad ko

"Ha? Anong pinagsasasabi mo? Hindi pwede, hindi ako papayag na aabsent ka ng aabsent" saad ni Mama

"Mama wait, hindi pa kasi ako tapos" saad ko

"Tapusin mo na kasi" saad ni Mama

"Diba Dancer si Jared? Yung Boss nya na si Sir Gerald kunausap ako kahapon, yun din yung surprise ni Jared, pinakausap nya ako kay Sir Gerald. Gusto ni Sir Gerald na gumawa kami ng sayaw ni Jared which will take a month or two, or longer, for sure kasi hindi naman ako magaling sumayaw, and habang nag-pa practice kami ni Jared, Sir Gerald told me that he'll talk to the school, na ipasa ako for as long as nagpa practice kami ni Jared" paliwanag ko

"Talaga? Bakit pumayag ka na sumayaw eh hindi ka naman marunong?" tanong ni Mama

"Hayaan mo na yun Mama, si Jared naman ang nagtuturo sa'kin, he's pretty good at teaching" saad ko

"Sus, gusto mo lang kasama lagi si Jared eh" pabirong saad ni Mama sabay tawa

Agad namang tumayo si Mama at tinuloy ang paglilinis. Oo, hindi ko muna sinabi kay Mama na kami na ni Jared dahil baka pati sya ay magulat din. Alam ko namang mabilis masyado ang pag-sagot ko sakanya, pero pakiramdam ko mamahalin nya naman ako ng tama.

Tumayo din ako kasunod ni Mama at pumunta sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. Papasok pa lamang ako ng kwarto ko ay may kumatok bigla sa pinto.

Agad akong pumunta sa pintuan ng bahay namin at binuksan ang pinto.

"Hi love" saad ni Jared sabay halik sa labi ko

Napalingon nalang ako bigla kay Mama ng gawin nya yon, nakita ko naman na busy si Mama, buti hindi nya nakita o narinig.

Agad ko namang tinulak si Jared paatras ng kaunti at lumabas na din ako pagkatapos kong isara ang pinto.

"Baliw ka! Maririnig ni Mama. Makikita nya pang hinahalikan mo ako, sa labi pa" saad ko

"Sus, parang hindi tayo isang minutong naghalikan sa dance studio ah" saad ni Jared sabay tawa ng mahina

"Siraulo ka, iba dito sa bahay namin sa dnace studio na yon" saad ko

"Bakit? Hindi pa ba alam ni Tita? Di nya pa ba alam na tayo na? Na sinagot mo na'ko?" tanong ni Jared

Nahihiya akong sabihin kay Jared na hindi pa pero ayoko muna kasi sabihin kay Mama, dahil gaya nga ng sabi ko, for sure, magugulat sya.

SWEATER VESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon