CH22: Unconscious Him

239 40 7
                                    

[1 Year Later]

[March 6, 2024 at 10:47AM]

*/Alarm Buzzing

"Mackie! Tatlong minuto na yang alarm mo hindi ka pa ba magigising?" sigaw ni Papa mula sa labas ng kwarto ko

Agad naman akong nagising at pinatay ang Alarm.

"Sorry pa, puyat lang" saad ko

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Hays, alam mo kasi Mackie, hindi mo naman kailangan nag stay kay Jared magdamag, napupuyat ka tuloy. Tapos uuwi ka lang pag inaantok ka na, eh dagdag pa yung pauwi ka" saad ni Mama

"Mama, okay lang" saad ko

"Hays, hayaan mo na sya. Mahal na mahal nya eh" saad naman ni Papa

Agad akong napangiti sa sinaad ni Papa

"Oh sya, maupo na kayo at kumain" saad ni Mama

Agad kaming naupong tatlo at sabay sabay na nagsi-kain.

"Oh? May balak ka ba ngayong araw Mak? Birthday mo ngayon, kahit nong gusto mo" tanong sa'kin ni Papa

"Oo nga pala, busy kami sermonan ka kaka puyat. Happy Birthday anak!" pagbati sa'kin ni Mama

"Happy Birthday Mak!" pagbati ni Papa

"Salamat po Ma, Pa. At sagot sa tanong mo Papa, opo. May gagawin po ako ngayon" saad ko

"Ano naman?" tanong ni Papa

"Jusko, tinatanong pa ba yan Noah, syempre punta nanaman yan kay Jared" saad ni Mama

"Talaga ba Linda? Usapan natin Love tawagan natin sa isa't isa ah" pabirong saad ni Papa

"Kalandi landi mo" saad naman ni Mama

Tatlo naman kaming nagtawanan.

"Regardles, Mak.. agahan mo sana umuwi, para naman maka pasyal tayong tatlo ni Mama mo" saad ni Papa

"Sure Pa, uwi ako ng 6PM, okay lang po ba yun?" tanong ko sakanilang dalawa

"Ah oo, pwede na yun nak" saad ni Mama

Ngumiti na lamang ako at nagpatuloy kumain. Ilang minuto ang nakalipas ay natapos din kaming tatlo kumain.

Ilang minuto din ako nagpahinga bago kumilos.

"Ma, Pa, magre ready na'ko ah" paalam ko kina Mama at Papa sabay tayo

Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang twalya ko at nagpunta na sa CR para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na din ako.

Namimili ako ng aking susuotin ng bigla kong naaninag ang Sweater Vest ni Jared. Agad ko naman itong kinuha.

"Hays, you're not the same before.. pero natahi naman na yung punit, i guess okay na" saad ko sabay suot sa Sweater Vest

Paglabas ko ng kwarto ay nagpaalam na ako kila Mama at Papa para pumunta kay Jared.

"Ma, Pa, mauna na po ako" pagpapaalam ko kina Mama at Papa

"Sige anak, ingat" saad ni Papa

Agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa Taxi.

Papunta pa lamang ako kay Jared ay napag-isipan ko munang pumunta sa Mall para mamili ng kung-ano ano.

Bumaba ako sa Mall kung saan kami pumasyal ni Jared noon at pumasok.

Hindi ako masyadong nagtagal sa Mall dahil gusto ko na pumunta kay Jared, although bumili ako ng Joggers and New Pair of Shoes.

Palabas palang ako ng Mall ay biglang tumunog ang Cellphone ko.

SWEATER VESTWhere stories live. Discover now