♡-Part two

1.4K 26 0
                                    

Part 2: What was the reason?

Ashley's POV.

Para akong lantang gulat nang pumasok sa paaralan. Hindi ako halos nakatulog dahil sa kakaisip kung paano ko sisimulan ang misyon na iniutos ni ma'am Therese.

Ang daming tanong na nabuo sa utak ko ngunit ni isa sa mga ito ay hindi ko alam ang magiging sagot.

Ba't naman kasi ako pa yung inutusan?

Sa dami ng estudyante, bakit ako pa?

Anong meron sakin?

Ayaw ko na nga sakaniya, tapos nangyari pa 'to!

Alam ko namang maganda ako at may lakas ng loob para harapin ang isang tulad niyang matino naman kaso may problema ata sa mundo kaya nag-ala elsa dahil sa subrang lamig.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa building namin.

“Anong nangyari sayo teh? Bakit anlaki ng eyebags mo?”bungad sakin ng kaibigan kong bakla.

Nilagpasan ko siya at pumasok sa classroom.
“Hindi lang ako nakatulog ng maayos.”

“May problema kaba teh? Pwede ka naman magsabi sakin, baka makatulong ako.”nilingon ko siya at dahan-dahang napangiti dahil sa naalala ko kahapon.

Kailangan ko pala ang tulong niya.

“Basta wag mong ipagsabe sa iba ha,”sumilay ang ngiti sakaniyang labing subrang pula sa lipstick at tumango.

“Syempre naman teh, ako pa ba?”

“Ganito kasi yun...”kinwento ko sakanya lahat ng sinabe ni maam Therese sakin nang walang labis walang kulang.

“Eh sa hindi ko nga alam kung pa'no ko papangitiin ang kaniyang anak na ubod ng sungit at lamig,”sabi ko pa nang matapos magkwento.

Tumango-tango naman siya sa reklamo ko.
“Alam mo, may naisip akong paraan teh,”napangiti ako sa sinabe ni johnny este jenny, yan kasi ang gusto niyang itawag sakaniya.

“Siguraduhin mo lang na uubra yan ha?”

“Oo naman, ako pa.”aniya kaya nagtinginan kami at sabay na natawa.

******

Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch break na. Nasa tabi kami, malapit sa bintana dahil dito ang paborito naming pwesto at agad pa naming malalanghap ang hangin mula sa labas.

Nang bigla nalang nagkagulo kaya hindi rin namin maiwasang hindi marinig ang kanilang mga sinasabe.

“Ang landi niya kasi..”

“Kilala naman niya kasi si pres, hindi parin natakot!”

“Pero subra naman ata yung ginawa niya!”

“Dapat lang yun sakaniya,”

“True, she's just a piece of shit para makuha ang atensyon ni cleo, no!”

“Ano kayang nangyayari?”tanong ni Jenny habang nakatingin rin sa counter, nandun kasi ang mga estudyanteng nagkukumpulan.

“Malay ko, tignan kaya natin?”tumayo kami at iniwanan na ang pinagkainan.

Sumiksik kami ng pilit at nakaramdam ako ng kaunting awa sa babae, nakaupo siya sa sahig habang nakayukong humihikbi at may tapon ng juice ata yan sa uniform niya.

“Anong ganap rito teh?”tanong niya sa isang estudyante.

“Yung babaeng yan, kumandong ba naman daw bigla kay pres habang kumakain ito, kaya ayan ang inabot niya, binuhos ni pres sakaniya ang iniinom nitong juice sa subrang galit.”hindi na ko nagulat sakaniyang sinabe, medyo sanay naman kasi ako sa mga pinang gagawa niyang ganon.

“Aksidente lang daw yung natapon ang juice.”kontra naman ng isang estudyante malapit rin sa pwesto namin.

Sinamaan siya ng tingin ng babaeng pinagtanungan namin.
“Wag mo ng ipagtanggol yang president na yan, diba sinigawan ka rin niyan noon?!”

“Nakita ko kasi ang nagyari, hindi niya talaga sinasadya 'yun!”

“Bahala ka, palibhasa gusto mo ang presidenteng 'yan kaya pinagtatanggol mo!”

“Nasan naman si pres cleo ngayon?”singit ulit ni jenny, hindi pinansin ang away ng magkaibigan siguro 'yan.

Kahit kailan, wala talagang pinapalagpas si jenny basta chismis, aalamin agad.

“Umalis na malamang,”napairap si jenny sa sagot ng babae na tunog sarkastiko.

Hinila ko nalang siya palabas ng cafeteria dahil baka mastress lang ang bangs niya at mahila ang buhok ng babae. Pumunta kami sa garden at umupo sa bench, katabi ng punong paborito ko.

Natulala nalang ako sa kawalan habang paulit-ulit naglalaro sa isipan ko ang lahat ng dapat kong gawin.
“Anong mukha 'yan teh?”hinarap ko si jenny na nakakunot ang noo.

“Namomroblema.”napabuntong hininga ako nang subrang lalim at malakas itong pinakawalan. “Hindi ko na alam kung anong gagawin, ayoko kayang matulad sakanila, 'yung mapahiya sa harap ng maraming tao,”

Huminga rin siya ng malalim na parang siya 'yung may malaking problema.

“Ba't kasi hindi mo nalang komprontahin si ma'am Therese na hindi mo talaga kayang baguhin yung anak niya?”suhestiyon niya, may punto naman siya.

Napapikit ako sa subrang gulo ng sitwasyon.
“Kaya lang baka masamain yun ni ma'am Therese, dapat kasi sa simula pa lang tumanggi nako,”

Tinapik tapik niya ang balikat ko.
“Gawin mo nalang yung plinano natin, tapos kapag hindi umubra, titigil kana. Kasi teh, mukhang mahirap talagang palambutin yang si pres, masyado nang matigas ang puso niya..”

Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Jenny.
“Sa tingin mo, ano kayang nangyari kay pres kung bakit naging ganyan yung pag uugali niya noh?”wala sa sarili kong tanong.

“Sa tingin ko teh, kagaya siya nung mga napapanood ko sa teleserye, yung subrang mahal niya yung tao na kahit patuloy siyang sinasaktan, hindi parin siya tumitigil kaya ayun, nagiging manhid na siya at wala nang nararamdaman na sakit sa kaniyang sarili at sa ibang tao.”natigilan ako sandali sa tugon niya.

Posible kayang ganon rin si cleo?
Posible bang nahulog lang talaga siya sa maling tao kaya nagbago ang ugali niya?

Kasi sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga mata niya nung sinabe niya ang katagang 'I'm not heartless, I just learned how to use my heart less.' parang may iba siyang pinapahiwatig.

Haayss!!

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now