♡-Part thirteen

976 27 0
                                    

Part 13: Colder than ice

Ashley's POV.

Nandito ako ngayon sa paborito kong puno. Syempre, para hindi masayang ang oras ay dinala ko nalang ang libro ng science para magreview.

Vacant namin sa second period ng panghapon. At dahil may klase pa si jenny, ay dito muna ako tumambay.

Nakakatuwang naiintindihan ko ang binabasa ko at hindi inaantok. Ewan ko, isipin ko lang na ginagamit din 'to ni cleo ay may kung anong saya akong nararamdaman.

Baliw na ata ako!

“Ayy butiki!”napatalon ako sa gulat dahil may biglang kumalabit sa'kin mula sa likuran.

Inis ko itong binalingan ng tingin. Si Jake lang pala!

Sandali siyang natigilan pero agad ring natawa nang makita ang reaksyon ko!

“Sorry kung nagulat kita,”napanguso ako sa sinabe niya, hindi pa'rin siya tumitigil sa pagtawa!

Hindi ko siya pinansin at tinuon na ulit ang atensyon sa binabasa. “Hey!”tumabi siya sa'kin pero hindi ko siya tinignan.

“Nagrereview ako, Jake,”sambit ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango-tango siya habang nakatitig sa libro.

“That's the law of motion,”maya-maya ay aniya.

“Oo, nakatulog kasi ako nung nagklase kaya nagrereview nalang ako para sa exam bukas.”

“Madali lang 'yan,”sumang-ayon ako sa sinabe niya.

Hindi ko naman favorite ang science kaya minsan ko lang pagtuonan ng pansin. Pero masasabi kong madali lang 'tong topic dahil naintindihan ko agad.

“Bakit ka nga pala nandito?”taka kong tanong.

“Hindi ako pumasok,”napabaling ako sakaniya, nagtataka.

“Bakit?”humiga siya sa damuhan at pumikit.

“I need some peace of mind, at hindi 'yun mangyayari kapag pumasok ako, gets?”

Tumango nalang ako kahit hindi niya nakikita. Hindi nalang ako nagtanong ulit kahit gustong-gusto ko.

Kailangan niya nga ng peace of mind diba? Kaya dapat lang na hayaan ko siya muna.

Ilang minuto rin ang lumipas nang tumigil ako sa pagrereview at tumayo. Nakapikit pa'rin si Jake kaya kumuha nalang ako ng bato na medyo matalim ang dulo at nagsimulang sumulat sa paborito kong puno.

‘Cleash’

Natawa ako sa sarili kong kabaliwan. 'Yan ang pangalan namin ni cleo kapag pinagcombine.

“Do you love him?”nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Jake.

Nakatayo na rin siya sa likuran ko habang nakatitig sa pangalan na isinulat ko sa puno.

Natulala ako sa tanong niyang 'yun. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Hindi ko alam ang sagot ko o mas tamang sabihin na hindi ko mahanap ang akmang salita para ipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi ko ito maintindihan.

“Naguguluhan ka.”napatitig ako kay jake.

Seryoso ang kaniyang tinig habang nakatitig na sa mga mata ko.

“It only takes 4 seconds to know if you love him or not, kung pinag-isipan mo pa ang sagot, there is a chance that you love him but you still didn't clear that out.”napamaang ako sa sinabe niya.

Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga pinagsasabi niya at hindi ko rin alam kung ano dapat kung maging reaksyon.

Itatanggi ko na sana ang sinabe niya pero inunahan niya na ako na lalong nagpadami ng tanong sa utak ko.

“Alam mo sa sarili mo kung nahulog kana o hindi, and if you don't know, then it's either that's not love or less than love.”hindi ko inaasahan ang paglamlam ng mata niya. “Masasaktan kalang kapag ipinagpatuloy mo ang nararamdaman mo para sakaniya,”wala sa sariling sinalubong ko ang brown niyang mata na ganon na lang kasesyoso.

“He's colder than ice and dangerous as fire that could burn your heart,”

Napalunok ako dahil sa kabang biglang bumalot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung babala ang kaniyang sinabe dahil sa malamyos nitong tinig pero ganon ang dating sa'kin!

******

“Miss Gayle!”tawag ng guro ko sa science, tumayo ako para kunin papel kong sinagutan ko sa test.

“Congratulations,”kumunot ang noo ko sa ibinulong ni sir Bulquiren.

Nang maabot niya na sakin ang papel ko ay dali dali ko itong tinignan at halos lumuwa ang mata ko sa nakita!

Score: 100/100

Nagpatuloy na si sir Bulquiren sa pagtawag ng mga kaklase ko kaya bumalik na 'ko sa upuan ko.

“Ilan ang score mo teh?”kumalawa ang ngiti sa labi ko kaya tumaas ang kilay ni jenny.

“Alam ko ang ngiting yan! Patingin nga ng papel mo!”inagaw niya sakin ang papel ko at kagaya ko kanina, nanlaki rin ang kaniyang mata at sinuri ng paulit ulit ang papel ko.

Kinuha ko ulit ang papel ko sakaniya.

“Anong nangyari sayo teh? Bat bigla kang na perfect? Anong sekreto mo?”sinamaan ko ng tingin si Jenny dahil sa sunod sunod niyang tanong.

“Tumahimik ka nga, baka pagkamalan pa'kong nagcheat ng mga etchuserang frog nating mga kaklase.”bulong ko.

Tumango-tango naman siya habang nakangiting-aso.

Napabuntong hininga nalang ako nang mapatitig sa test paper ko.

Magiging masaya ba 'ko dahil nakaperfect ako at siya ang naging inspirasyon ko para maabot 'to?

Or

Dapat bang maging malungkot ako dahil kahit alam ko sa sariling kong ako ang gumawa nito ay siya pa'rin ang nasa isip ko?

Dumagdag pa ang sinabe ni jake na lalong nagpagulo sa utak ko.

Dapat ko na bang tigilan ang namumuo ko ng feelings para sakaniya?

Pero saan ako magsisimula? Paano?

‘He's colder than ice and dangerous as fire that could burn your heart.’

Tama si jake, pero...

Magagawa ba talagang sunugin ni Cleo ang puso kong siya mismo ang sinisimulan nang hanapin nito?

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant