♡-Part eighteen

976 31 0
                                    

Part 18: He owned me

Ashley's POV.

“Hoy! Ba't tulaley kana dyan?”nagising ang naglalakbay kong diwa nang yugyugin ako ni jenny.

Napakurap ako nang ilang beses at tinignan si Cleo sa pwesto niya pero wala na siya!

“Sandali lang,”sambit ko kay Jenny.

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at agad nang iniwan para hanapin si Cleo.

Sobrang bilis ng lakad ko kaya hindi ko namalayang may nabangga na pala ako dahilan para mabitawan ko ang libro!

Nahinto ako sa akmang pagpulot ng libro nang magsalita ang nabangga ko.

“Oh? It's been a days since our last met, how are you?”ang sarkastiko niyang tinig ang nagpa angat sa 'kin ng tingin sakaniya.

Nakangisi siya at parang awang awa sa sitwasyon ko.

“Okay naman ako,”nakangiti kong sabi at agad pinulot ang libro, maglalakad na sana ako nang humarang siya sa daan.

Ito na naman tayo.

Himala yatang walang siyang kasama ngayon.

“Magpakasaya ka lang sa natitira mong oras dahil hindi magtatagal, iiyak ka rin,”huli niyang sambit bago umalis sa harapan ko at deri deritsong naglakad papunta sa cafeteria.
Isinawalang bahala ko lang siya. At maglalakad na sana nang may nahulog na papel mula sa libro.

Pinulot ko ito, parang bookmark pero medyo makapal at may desinyo rin na mga puting rosas.

*/Kring */Kring

Agad kong ibinalik ito sa libro at sinagot ang tawag ni jenny.

[Oh, ano? Nabalik mo na ba ang libro teh?]

“Oo, hawak ko na nga eh!”

[Mabuti kong ganon. Ay oo nga pala, pasensya na dahil mauuna na 'kong umuwi, may emergency naman kasi sa bahay.]ramdam ko ang lungkot sakaniyang boses.

“Ayos lang yun, ano kaba?”

Hindi rin nagtagal ang aming kwentuhan dahil tinawag na siya ng daddy niya.

Ibinulsa ko ang selpon ko at akmang maglalakad na nang matanawan ko si jake.

“Jake!”tawag ko pero parang hangin lang ako na nilampasan niya.

Parang wala siya sa kaniyang sarili at mukhang nagmamadali pa, pawis na pawis at parang problemado ang kaniyang mukha.

Ano kayang nangyari sakaniya?

Tatawagin ko pa sana siya kaya lang nakalabas na siya sa gate, hinayaan ko nalang muna siya dahil may kailangan pa'kong gawin.

Naglakad na ulit ako pero.. Ano nga pala ang next subject niya?

Mag isip ka Ashley!

Ah! Research nga pala. Nagmadali akong pumunta sa kabilang building sa second floor.

“Ah ate, nakita niyo po ba ang SSG president?”tanong ko sa babaeng nakita ko sa hallway.

Pero nilampasan niya lang ako matapos sulyapan, aba!

Hinayaan ko na lang siya at lumapit sa tatlong lalaki na nagtatawanan habang naglalakad.

Napatigil sila sa paglalakad at napasipol nang makita ako.

Mukhang mali yata ang naging hakbang ko.
“Ah mga kuya—”

“Ilang taon kana Miss?”putol ng isang lalaking nasa gitna sa dapat kong itatanong.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα