♡-Part twenty six

979 33 0
                                    

Part 26: Provincial Camping

Ashley's POV.

Napaupo nalang ako sa gilid ng swimming pool at nakatingin lang sa kawalan.

Ramdam ko na ang paghapdi ng mga mata ko sa kakaiyak, kahit wala nang luhang tumutulo.

Napangiti nalang ako ng mapait nang patuloy na naglalaro sa isip ko ang lahat ng nangyari habang nakatanaw sa ibang couple na sobrang saya habang nagkukwentuhan at naliligo sa pool.

“Kailan kaya tayo magiging ganyan?”parang tanga kong tanong sa sarili.

Huminga ako ng malalim para maibsan ang paninikip ng dibdib pero walang nangyari.
“Napaka imposible...ang taas mo, akala ko abot-kamay na kita pero anlayo mo pa pala,”mapakla ko pang dagdag.

Suminghot ako at wala sa sariling napatingala sa langit. Masakit akong ngumiti at naramdaman ko agad ang pag-init ng mata ko.

“P-para kang bituin sa langit, bukod sa napakalayo mo, napakalabo mo rin, Cleo..”

Suminghap ako ng hangin at mariing pinunasan ang mata ko nang tumulo na naman ang luha ko.

“Hi po, ate ganda!”rinig kong boses ng isang bata.

Hindi ako lumingon hanggang sa kinulbit niya ako kaya dahan dahan akong bumaling sakaniya.

Isang batang lalaki na sa tantya ko ay pitong taon, may dala siyang isang white at red tulips at... Panyo?

“Pinabibigay po sainyo, ate ganda.”kumunot ang noo ko.

Iniahon ko ang paa sa pool at hinarap ang bata.
“H-huh? Sino ang nagbigay?”paos ko lang tanong.

“Ang sabi niya po ay sad ka, at kapag sad daw po ang isang tao ay bigyan natin sila ng gift para happy na ulit sila,”

Sandali akong natulala sa sinabe ng bata.Inabot niya sa'kin ang tulips at panyo at nang makuha ko ito ay agad siyang tumakbo palayo. Sinundan ko siya ng tingin at lumingon lingon rin sa paligid pero wala akong nakitang kakilala na maaring magpabigay nito.

Tinignan ko nalang ang hawak ko, hindi ko alam pero kusa nalang akong napangiti.

Kung sino man ang nagbigay nito ay salamat dahil kahit kunti ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

******

“O to M to G teh!”napatakip ako sa tenga ko nang sumigaw si jenny at tumalon talon pa sa kama.

Napangiwi nalang ako at sinulyapan ang tulips na nasa isang baso at may tubig.
“Mas malabo pa yata sa mata ng bulag na siya nga ang nagbigay n'yan.”

Bigla siyang napatigil sa pagtatalon at nameywang habang nakataas ang gilid ng labi.
“At paano naman magiging malabo ang mata ng bulag, e bulag na nga! Hindi na makakakita pa!”

“Yun na nga. Ibig sabihin, imposible talagang siya ang magbibigay nyan.”pabuntong hininga kong tugon at humiga na sa kama ko.

“Bahala ka nga teh! Good night nalang.”

******

Napatigil ako sa pagsusuklay nang tumunog ang selpon ko, agad ko itong kinuha at binuksan.

“Provincial camping will be starting in this incoming Friday. The permission letter that was given to you by your adviser will be passed in SSG Sec. If you are not joining, you don't need to pass it.”

Agad kong in-off ang selpon ko pagkatapos basahin ang announcement ng SSG president. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Tumunog ulit ang selpon ko kaya binaba ko na ang suklay nang matapos.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now