♡-Part thirty

1.1K 26 0
                                    

Part 30: The antagonist side

Ashley's POV.

“Ash!”napalingon ako sa boses na 'yun.

Si Louis.

Tumigil ako sa pagpicture ng mga bulaklak dito sa park at hinintay siyang makalapit sa pwesto ko.

“It's been a year since the last time we had talked. How are you?”agad niyang bati.

Ngumiti ako.
“Maayos na ang lovelife ko,”natawa ako na sinabayan naman niya.

Tumango-tango siya.
“Dapat lang, kundi ay babasagin ko ang bungo ng lalaking 'yon!”

Natawa pa siya ulit bago umayos ng tayo at sumeryoso ang mukha.

Pasimple akong napangiti, masasabi kong malaki ang ipinagbago ni Louis simula nung umalis siya papunta sa America.

Ang sabi ni Jenny ay may inasikaso raw siya doon, maliban pa sa trabaho niya sa kumpanya nila.

Hindi na ako nagtanong pa dahil hindi naman nila sasabihin. Personal nila na buhay 'yan eh kaya may karapatan silang wag sabihin sa iba.

“Kamusta ka sa America?”tanong ko matapos ang ilang sandaling katahimikan.

“Maayos naman. Andaming trabaho pero masaya.”napangisi ako nang makitang pasimple siyang ngumiti habang nakatitig sa malayo.

“Hoy, ano 'yan? Inlab ka no?”akusa ko.

Napawi agad ang kanyang ngiti nang humarap sa'kin at umiling.
“Bawal akong mainlove,”

Nawala ang ngisi ko nang ganon nalang kaseryoso ang boses niya.

“The last time I had a crush, may gusto namang iba.”ngumiti siya at natawa pero napanguso naman ako.

Alam ko namang crush niya 'ko noon. At hanggang doon lang 'yun.

“Pero bakit bawal kang mainlove?”tanong ko ulit.

Nangangati na naman akong makichika sa buhay nila!

Umiling lang siya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

“Dahil hindi ko pa natatapos sagutan ang mga tanong na matagal nang nakatago,”

Napamaang ako at sandaling naguluhan sa sagot niya.

Bukod sa trabaho niya sa kumpanya nila ay may iba pa pala talaga siyang ginagawa!

“Babe!”muntik na'kong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Cleo sa harapan namin.

Masama ang titig niya kay Louis at naging malamlam lang ito nang bumaling sa'kin.

“Oh, bro!”bati ni Louis pero imbes na batiin pabalik ni Cleo ay pumunta siya sa pwesto ko at walang alinlangang pinulupot ang braso sa bewang ko at kabigin papalapit sakaniya.

“She's my girlfriend,”kumunot ang noo ko sa diin ng pagkakasabi niya!

Tumawa si Louis.
“I know, ang totoo nyan pwede ko na nga siyang agawin sa'yo—”

“Don't you dare!”

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Ganito ba sila mag-usap?

Dapat bang manahimik lang ako dahil normal lang naman 'to sakanila?

“Oh easy, I'm just stating the fact—”

“And I don't care!”

Tumawa ulit si Louis. Tuwang-tuwa masyado sa ugali ni Cleo na mabilis maasar.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now