Chapter 12: The First Drink

2 0 0
                                    

L.A.'s POV


Pagbaba namin ng tricycle ay nakita ko ang isang Restobar na naka-bukas at may malakas na music. Hinila naman ako papasok ni Adei doon.

"Welcome Maam, Sir." Ngiting bati sa amin ng isang staff dito sa loob ng Restobar.

"Puwede po ba pumasoo sa loob? Ito po kasi ang suot ko." Sabay turo ko sa suot-suot kong crop top at isang denim shorts.

At nakita kong natawa bigla si Adei kaya masama ko siyang tiningnan. Kaya dahil doon ay nawala kaagad ang tawa niya.

"Naku Ma'am, okay lang po." Sabay tawa ng babae na ikinangiti ko na lang din. "Table for two, this way po." Dagdag ng babae at sinundan namin siya.

Nang makaupo kami sa isang table ay kaagad na umorder si Adei. Hindi ko alam kung ano ang kaniya basta ang akin ay Pork Barbecue at kanin, for dessert naman ay halo-halo ang napili ko. For drinks naman ay si Adei na ang bahala. Dahil libre ito ni Adei ay kailangan kong magpaka-busog. Baka ito na ang una at huling libre niya sa akin. Kaya gusto kong lubusin. Kaya lang iyong ibang recipe sa menu ay puro seafoods, gusto ko sana kaya lang hindi ako marunong magbukas. So huwag na lang.

"Masarap ba dito?", naisipan kong itanong yan dahil wala akong mai-topic sa aming dalawa habang naghihintay ng orders namin.

"Oo naman. Dito ba kita dadalhin kung hindi?", tanong naman niya pabalik.

"Akala ko naman kasi sa Jollibee mo 'ko dadalhin o sa ibang fast eh food." Sagot ko.

"I don't like fast food eh. But if you want that, we can go there."

"Ang yaman mo ah." At natawa siya.

"Nagsalita ang hindi." At kumunot ang noo ko. "Saka pambata yon." Kaya nawala ang kunot ng noo ko. Sabay tuloy kaming natawa doon sa sinabi niya.

"Eh bakit? Bata pa naman tayo ah?", at natawa siya ulit. Pero bigla na lang nag-seryoso ang mukha niya.

"Why? You don't like here?", tanong ni Adei.

"No. I like it here." Ngiting sabi ko sabay tingin sa kabuuan ng Restobar.

Up and down ang Restobar na ito. Dito sa ibaba ay mga tables at upuan. May bar counter naman sa harapan namin, if you want to order drinks like alcohol. Something liquor.

Maayos naman ang ayos dito sa loob dahil may mga LED lights sa gilid-gilid ng dingding.

Sa taas naman which is yong second floor, doon naman sa part na iyon ay may mga nag-iinuman at may mga sumasayaw sa gitna. Nandoon din sa gitna ng dance floor ang isang malaking disco ball na paiba-iba ng kulay.

So may ganito pala sa probinsya. May Restobar katulad ng mga Restobar na nasa Maynila. Katulad ng mga napupuntahan namin ni Wanda at Jonah sa tuwing gusto naming mag-party. Pero like what I said before, hindi ako nainom ng alak, kasi nga diba ang pait ng mga iyon. Ang palaging nainom ng alak ay sina Jonah at Wanda. At sa tuwing nalalasing sila ay ako pa ang naghahatid sa kanila pauwi. Kaya ang payat-payat ko eh. Laging nagbubuhat ng mabibigat.

At katulad lang din ng nasa Maynila ay may mga naka-party outfit sa itaas at masasayang sumasayaw. And base on their appearance ay mapapasabi ka na lang na parang taga-Maynila rin sila.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now