Chapter 22: Girl Thing

0 0 0
                                    

L.A.'s POV



"LA?", rinig kong sambit ng isang lalaki mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Nasa loob kasi ako ng kuwarto ko ngayon. Nagli-ligpit kasi ako. Hindi naman siya totally pagli-ligpit dahil tinu-tupi ko na ang mga naging kalat ko na nasa kama ko ngayon. Pinag-pilian ko pa kasi ang mga dinala kong damit dito sa probinsya para dalhin ko doon sa outing namin later. Ang laki ko lang din na isang baliw dahil ka-kaunti lang ang dinala kong damit dito. Bur this time isang back pack at isang tote bag lang ang dadalhin ko. Hindi ko naman kasi alam kung ilang araw kami. Hindi ko rin alam kung saan. Isang malaking baliw na naman ako dahil kasama ko si Adei kanina pero hindi ko man lang siya natanong or tinanong. Eh kasi naman nakakatuwa si Adei habang nama-malengke kami. Diba nga seafoods ang mga pinamili namin? Aba! Tinawaran ba naman lahat. No'ng una ay kino-kontra ko pa siya na mahal talaga ang mga seafoods. At siya? Malapit lang naman daw ang dagat dito kaya hindi dapat magmahal. Oo, malapit lang ang dagat dito.

Malapit lang ang dagat pero hindi ko mapunta-puntahan. Hindi ko kasi alam kung saan banda iyon. Minsan nga ay gusto kong pumunta sa pinaka-malapit na dalampasigan para mapag-isa para makita ang dagat. Tapos mag-emo na rin. Wala lang, gusto ko lang.

Ayon balik tayo kay Adei tinawaran niya halos lahat ng pinamili niya. Oo niya, siya nagbayad ng lahat. Galanti ang lolo mo! Like for example sa crabs ay kung ang isang kilo ay 150 ay aba tawaran ba naman ng 75? Like why the hell on earth at ginawa niya 'yon. Mura na nga iyong 150 pesos eh. Sa Maynila nga ay nagiging triple pa ang presyo. Sino ba naman ako para kuwestiyonin ang pricing nila eh pagkakaalam ko mahirap humuli ng kahit anong uri ng seafoods.

Kaya habang pinagsasabihan ko si Adei with that matter, ayon tawa siya ng tawa. Ayon pala, mga Ninong at Ninang niya ang mga pinagbilhan namin. Okay now I know.

Kaunti pa lang ang nabibili naming seafoods. Kaya nandito pa kami sa seafood area ng palengke. Plus wala pang lobster. Malaki man o maliit ay wala talaga. Hindi ba lobster season ngayon? Gosh! I'm craving for that food.

Sa kakalibot naming dalawa ni Adei dito sa palengke ay nakita ko sa gilid-gilid na magti-tinda ng mga gummies. Kaya agad-agad kong hinila si Adei patungo doon. 20 pesos per 22 pieces. Pero dahil puro 1000 peso bill ang laman ng wallet ko ay pinambili ko na iyon lahat. That's why ang ending, ang saya-saya ko throughout ng pamamalengke. Kahit pa itong si Adei ay bad trip ma sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil doon sa mga lalaki na tumitingin sa akin habang namamalengke kaming dalawa.

Hindi ko naman sila masisisi dahil dyosa ba naman ang kasama ni Adei.

"Glad you're here. Ilang araw pala tayo sa outing?", tanong ko sabay turo ko sa upuan na nasa tapat ko.

"I think 2 days and 1 night or maybe 3 days and 3 nights." At nagulat ako sa isinagot ni Adei. So ganoon pala katagal? Ibig sabihin limang pairs ng damit ang dadalhin ko? Hindi ba parang bitin naman iyon? Gawin ko na kayang sampo?

"Hindi ka ba papayagan ni Tita kapag ganoon katagal?", tanong muli ni Adei. "Gusto mo ipag-paalam kita?", at natawa ako. Akala niya ba ay hindi ako papayagan nila Mommy at Daddy? Puwes nagkakamali siya. Pinapayagan naman ako nila Mommy at Daddy basta I know my limits. I'm thankful that it's just that. Hindi ko sila bibiguin dahil para sa akin din naman ito. I'm having fun while I'm keeping myself safe.

"Papayag 'yon, don't worry." Sagot ko.

"Sure ka?", tanong naman niya muli.

"Oo. I was just asking kung ilang araw tayo doon para makapag-dala ako ng saktong bilang ng damit." At nakita kong kumunot ang noo niya.

"Sakto? Eh pang-isang linggo na 'yan eh." At natawa ako sa kaniya.

"Ano ka ba? Kulang pa nga ito eh." Sabi ko at nakita ko na lalong kumunot ang noo niya.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now