Chapter 30: A Beautiful Goodbye

1 0 0
                                    

Adei's POV




I hate goodbyes. Especially when my loved ones have to say goodbye. I don't want to hear any goodbyes. Pero kung ganoon nga ang mangyayari ay wala na akong magagawa. I mean pinigilan ko ang pag-alis, pero sadyang iyon talaga ang nakatadhana. At anong pinigilan? Pipigilan ko 'yong pag-alis ni LA at babalik na siya ng Maynila? Ang kapal naman ng mukha ko kung pipigilan ko siya diba? Mabuti nga at nag-extend ang bakasyon ni LA na instead na August ang pasukan nila, naging second week na ng September. Naisip ko pa nga na baka inextend ng tadhana dahil alam niyang mamimiss ko si LA.

Pagkatapos malaman ni LA na nag-extend ng dalawang linggo ang bakasyon nila ay kaagad niya iyong sinabi sa akin. Kaya wala na kaming inaksayang araw, nagpunta na kami sa kung saan-sana basta puwede pag-galaan. Kahapon which is her last day to be in this province ay nagpunta kami ulit sa lugar na gustong-gusto niya. Iyon ay ang pinuntahan namin na isang mataas na lugar. Kung saan naging saksi rin iyon ng kaniyang pagkalungkot at pag-iyak. Saksi ang lugar na iyon kung gaano nasaktan si LA dahil sa panloloko ng boyfriend niya. Makita ko lang talaga ang mukha ng lalaking 'yon, gugustuhin niya na lang talaga na magpalit sila ng mukha ng aso.

"Ang sarap talaga nito sa pakiramdam." Rinig kong sabi ni Ysabel sabay upo at hingang malalim.

"Kaya lubosin mo na ang pagkakataong ito. O kaya naman, picturan mo para kapag nalulungkot ka, may titingnan ka." At napangiti siya.

"Huwag na. Mas maganda kung personal." At napatingin ako kay LA na nakangiti. "Ang ganda ng sunset." Napangiti siya.

She's right. It's beautiful. She's beautiful. Very beautiful. Kagaya nga ng sinabi ko noon, kung nabubuhay lang si Aphrodite ay masasabi kong si LA iyon. Si LA kasi ay napaka-ganda. Kung magiging girlfriend ko man siya ay hinding-hindi ko siya lolokohin, hindi ko siya papaiyakin, hindi ko siya sasaktan at lalo na, hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari. Iyong mga magaganda niyang mata ay hindi dapat pinapaiyak.

"Hindi ko alam kung saan ka nakatingin." Saka ko siya narinig na tumawa.

"Ang ganda kasi ng tinitingnan ko." Sagot ko naman kaya narinig ko na naman siyang tumawa.

"Hay naku. Nambobola ka na naman." Sabay palo niya niya sa balikat ko. Hindi naman malakas iyon, parang himas nga lang sa balikat ko eh.

"Pero alam mo ang ganda ng sunset." Bumalik naman ang tingin niya sa papalubog na araw na nasa harapan namin. Quarter to 6 na rin kasi ng gabi kaya talagang papalubog na ang araw. Paramg nagtatago na ang araw sa likod ng matataas na bundok. Kulay kahel na ang kalangitan kaya napakaganda nito sa paningin. Idagdag mo pa na iyong mga ibon na magkaka-grupo ay nagfo-form ng line habang lumilipad. Hindi naman mainit sa pakiramdam dahil nandito kami sa mataas na lugar. Maraming puno kaya mahangin.

"Sunset proves that sometimes goodbyes aren't painful. But it's beautiful." Saka siya humingang malalim.

"The sun is saying goodbye to us to meet the moon." Dugtong ko.

"And tomorrow, the sun will rise again. And that means, naging madilim man ang mundo mo, asahan mong bukas o sa mga darating na araw ay maliwanag na." Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni LA ay naging tahimik na ang paligid. Busy siyang pagmasdan ang papalubog na araw. Samantalang nakangiting naman akong pinagmamasdan ang babaeng pinaka-maganda sa aking paningin.




❤ ❤ ❤




"Mag-iingat ka doon sa Maynila." Sambit ko.

"Oo, ikaw din." Sabay hawak niya sa ulo ko at ngumiti. Ginawa na naman niya akong bata.

"Oo naman. Malakas yata 'to." Sabay pakita ko ng muscle kay LA kaya natawa siya.

"'Wag trying hard, Adei. Huwag na." Sabay hagalpak niya ng tawa.

"Tapos no'ng nakita mo 'kong naka-hubad, binilang mo pa." Pang-aasar ko.

"Hoy hindi ah! Kapal mo naman Adei, wala ka n'on."

"Talaga ba? Sige nga ilang abs mayroon ako?"

"Anim!", at napahinto siya. Kunot ang noo na nakatingin sa akin. "I mean isa! Isang malamig bilog ang mayroon ka Adei!", natawa ako kaya natawa siya.

Anim? At talagang binilang pa talaga ni LA. Akala ko ba ay hindi niya ako tinitingnan tapos biglang anim ang abs ko. Sabagay mapagmasid si LA kaya pati abs ko ay tinitingnan niya. Na pati abs ko, binilang niya pa kung ilan. Mabuti naman at nagustuhhan niya ang abs ko. Sana dagdag points ang abs kong 'to. Siyempre para saan pa ba? Para magustuhan ako ni LA.

But that's good to hear. At least alam ko na ngayon na tumitingin din pala siya sa akin. Na nakatingin din pala siya sa akin. Hindi lang siya nakatingin sa ex niyang niloko siya.

"Pero seryoso ako sa sinabi ko LA." tiningnan niya ako ng seryoso.

"Na ano?", maang niyang tanong.

" Na hihintayin kita." Dahan-dahan siyang ngumiti.

"Alam ko. At hihintayin din kita Adei." Kumunot ang noo ko dahil ano ang ibig niyang sabihin na hihintayin niya ako? Hindi ba dapat ako ang maghintay sa kaniya?

"Hihintayin ko ang puso ko na handa ng umibig muli. At kapag dumating na ang panahong iyon, ikaw ang iibigin ko. Kaya sana kapag handa na ang puso kong umibig, sana ako pa rin ang gusto mo."

"O-oo ba." Nauutal kong sagot. "Ikaw ang hihintayin ko. Hihintayin kita kahit gaano katagal. Pero wala naman akong pakialam kung gaano katagal kita hihintayin, kasi alam ko naman na ikaw lang hihintayin ko. Ikaw ang prize ko." At ngumiti siya sabay hawak na namang ng ulo ko.

"Aasahan ko 'yan mula sa'yo, Adei." Saka siya tumingkayad at hinalikan ang kanang pisngi ko. Nakuta ko pa na lumaki ang mata niya ja hudyat na nagulat siya sa kaniyang ginawa. Walang sabi-sabi ay umalis siya sa harapan ko saka sumakay ng kotse at humarurot palayo.

Ako naman ay naiwang nakatanga sa harap ng bahay nila. Napahawak pa ako sa kanang pisngi na hinalikan ni LA. Kilig na bang matatawag kapag sinabi kong hindi ko mapigilan magpakawala ng isang malaking ngiti. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng halik ni LA kahit na sa pisngi lang iyon. Para akong lumilipad sa langit.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now