Chapter 36: Dare

0 0 0
                                    

Adei's POV



Pagkatapos ng videocall namin ni LA ay napapikit pa ako at nakangiti dahil nakita ko ang mukha ni LA. Nakita ko ulit ang mukha ni LA after so many days magmula no'ng umalis siya rito sa probinsya. Kahit ilang araw na kaming hindi nagkita ni LA ay kabisado ko pa rin ang mukha niya. Ang ganda niya pa rin sa paningin ko. Ganoon talaga siguro kapag mahal mo talaga ang isang tao, siya lang ang pinaka-maganda sa paningin mo. Kahit sinong pinaka-magandang babae pa ang iharap sa'yo, siya pa rin ang pipiliin mo. Kahit si Ivana Alawi pa ang itapat niyo sa akin, ay talagang si LA pa rin ang pipiliin ko.

Wala na, masyado na akong lunod kay LA. Lunod na lunod na ako kay LA. But it's okay, wala naman akong planong umahon. Matagal na akong nalunod kay LA at wala sa plano ko ang umahon pa.

Itinago ko ang cellphone ko sa aking bulsa ng aking short at nagtungo sa refrigerator para kumuha ng yelo. Dahan-dahan lang akong naglalakad dahil talaga nga namang nahihilo ako. Umiinom kasi kami dito sa bahay kasama sila Calvin, at iyong mga girlfriend nila na ngayon ko lang nakilala. Ilang buwan kaming magkaklase pero hindi ko man lang narinig sa kanila na may nililigawan at may mga girlfriend na pala sila. Ngayon ko lang nakilala ang mga girlfriend nila dahil nag-ayang mag-inom si Calvin, at talagang sa bahay pa talaga namin nila napiling mag-inom. Diba dapat kila Calvin mag-inom dahil siya itong nag-aya? Psh.

Buong inuman session namin ay ako lang ang walang partner. Parang nang-aasar pa sila dahil wala akong partner. Parang iniinggit niya na dapat mainggit ako dahil wala akong girlfriend. Para namang maiinggit ako sa ka-cheesyhan nilang tatlo. Psh. Kung magiging kami talaga ni LA ay hindi ako magiging cheesy katulad nilang tatlo.

At talaga nga namang inaasar nila ako dahil isinama nila si Lyra dito sa bahay namin. Siguro nga ay hindi naman nila iyon sinasadya dahil hindi naman nila alam ang nangyari noong nag-outinh kami. Sadyang kaming tatlo lang ni Lyra at LA ang nakakaalam sa kung anong nangyari no'ng outing.

Katabi ko pa nga si Lyra habang nag-iinom at masasabi ko talagang awkward na pangyayari 'yon dahil kahit katabi ko si Lyra ay hindi ko siya magawang tingnan at kausapin. Kinakausap naman niya ako at wala akong ibang masagot kundi tawa, tango at iling. Gustuhin ko mang lumipat ng ibang upuan ay hindi ko magawa dahil baka makahalata sila Calvin sa inaakto kong pag-iwas kay Lyra.

Ganito ba kahirap umiwas kapag na-in love sa'yo ang kaibigan mo? Ang hirap pa dahil hindi ko mabalik sa kaniya ang pagmamahal niya. Mahirap din umakto sa harap ng mga kaibigan namin na parang wala lang nangyari sa pagitan naming dalawa at magkunwaring okay lang ang lahat. Kahit na hindi naman talaga. Hindi ko alam kong papaanong nagagawa ni Lyra ang tumawa sa kabila ng sakit na idinulot ko sa kaniya.

"Hoy Adei ang tagal mo namang kumuha ng yelo." Rinig kong bulyaw ni Calvin sa likuran ko pero hindi ko siya nagawang tingnan dahil busy ako sa pagkuha ng ice dito sa refrigerator.

Inilagay ko rin naman kaagad ang yelo sa malaking mangkok na inihanda ko kanina.

"Ubos na rin pala 'yong alak." Kunot-noo kong tiningnan si Calvin dahil sa sinabi niya.

"Ang bilis niyo namang ubusin." Atungal ko.

"Tagal mo kasi kumuha ng yelo." Parang inis pang sagot ni Calvin. Aba ang lakas naman ng tama nito para mainis. Ako nga itong dapat mainis dahil hindi pa man ako umo-oo na mag-inom ay nagsimula na silang uminom dito sa bahay. Okay lang naman na dito sila uminom basta ay huwag lang mag-aaway. Dahil kapag may nabasag dito sa loob. Magagalit talaga si Mommy.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now