Chapter 37: A Letter And Flowers

0 0 0
                                    

L.A.'s POV




Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang isang bouquet ng sunflower at isang love letter sa loob ng locker ko. Kumunot ang noo ko dahil alam kong ini-lock ko ito noong isang araw matapos ang orientation dito sa University. Pero sino naman ang lalaking maglalagay nito sa loob ng locker ki. Siguro may marunong magbukas ng lcoker dito. Ang tanong, sino ang nagbukas ng locker ko at nilagay ito?

"Wow naman, sunflower ang binigay sa'yo. Talaganga gusto niyang mapasaya ang araw mo. Sino ang nagbigay?", rinig kong tanong ni Wanda sa aking likuran na akala mo ang saya-saya kasi nakita na may sunflower at isang love letter sa locker ko. Hindi ko nga alam kung love letter nga ba iyon dahil may sobre pa. Kulay red nga kasi ang sobre. Red means love diba? Alangan namang pang-pasko 'to eh hindi pa naman pasko. Ber months pa lang.

"Hindi ko alam." Diretsong sahi ko dahil hindi ko naman talaga alam kung kanino ito.

"Paano mo malalaman eh hindi mo naman tiningnan 'yong sobre." Rinig ko pang sabi ni Wanda. Kunot-noo kong kinuha ang sobre at iniikot-ikot iyon pero wala man lang kahit isang letter sa sobre.

"Walang name eh. Maybe some stranger." Saka ko ini-lock ang locker ko at nag-umpisang naglakad.

"What if si Noel ang nagbigay n'on sa'yo?", kunot-noo akong tumingin kay Wanda.

"Sinasabi mo?", kunot-noo kong tanong kay Wanda.

"Sus, kunwari ka pa." Sabay tulak niya sa akin. Kinunotan ko naman siya lalo ng noo na akala mo magdidikit na.

"Kunwari ka diyan. Mukha ba akong nagku-kunwari?", tanong ko.

"Siguro." Sagot niya sabay iwas ng tingin habang may ngiti sa labi. "Malay ba namin ni Jonah kung anong pinag-usapan niyo ni Noel noong nag-bar tayo."

"Hay naku. Huwag na kayo mag-overthink. Tinapos ko na talaga ang mayroon sa amin." Sabay buntong-hininga ko. Hindi ko kasi na-ikuwento sa kanila ang naging usapan namin ni Noel noong gabi na nasa bar kami. Ano pa ba kasing iku-kuwento ko kung tapos na ang lahat sa amin diba? Hindi na nga ako masyadong nalulungkot tapos babalikan ko pa ang nga sinabi namin ni Noel sa isa't-isa. Ang pangit naman n'on.

But after that night at the bar, hindi ko na nakita si Noel. Hindi ko na rin nakita ang account niya na online. Siguro ay ayaw niya na akong kausapin after we've done things that night. At saka bakit pa nga ba siya makikipag-usap sa akin eh may iba na siya diba? Magpakasaya na lang siya doon at huwag niya na akong guluhin.

"Weh? Akala ko pa naman nagbalikan na kayo." At mukha pa siyang dismayado sa pag-iling ko agad sa sinabi niya.

At saka bakit parang dismayado pa siya na hindi kami nagkabalikan ni Noel? Okay lang ba sa kaniya na masaktan ako ulit? Kaibigan ko ba talaga ito?

"Hindi naman sa ganoon. Napansin ko kasi na ang lungkot mo lalo pagkatapos niyong mag-usap no'ng gabing 'yon."

"He's a cheater at hindi na dapat balikan iyon."

"I know that. Mag-party na lang tayo kaysa maging malungkot ka diyan."

"Ewan ko sa'yo. Idadamay niyo pa ako ni Jonah."

"What are friends for, right? Saka hindi namin hahayaan na maging malungkot ka ni Jonah."

"And thank you for doing that." Ngiting sagot ko sa sinabi ni Wanda.

Nakaka-touch naman kasi ang sinabi ni Wanda. Ayaw niya aking maging malungkot. Ayaw nila akong maging malungkot. And I thank them for doing that. Dahil para sa akin ay hindi nila ako papabayaan. Na tipong kung anong problema ang magkaroon ako, alam kung hindi nila ako iiwan. Na alam kong hindi nila ako huhusgahan kahit anong mangyari. Na bibigyan nila ako ng mga advice patungkol sa mga bagay-bagay. At hindi nila ako hahayaan maging malungkot. I'm thankful for them that I have them. And I promise, they have me. I'll always be there for them. Forever. And as for me, I want to protect them also the way they protected me.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now