Chapter 16: Bromance

1 0 0
                                    

L.A.'s POV



"Why are you staring at me?", natatawa kong tanong sa kaniya dahil nakatingin siya sa akin hanggang sa makalapit ako sa kaniya.

"Ang ganda mo kasi." Sabay ngiti niya kaya natawa na naman ako.

"Ilang beses mo ng sinabi sa'kin yan." Natatawang sagot ko naman.

"Totoo namang maganda ka."

"Ikaw ah, baka crush mo 'ko. Hindi puwede 'yon." Pagbibiro ko na kaagad naman niyang tinawanan lalo.

"I don't think so LA." at natawa kaming dalawa.

Natatawa kaming dalawa sa isang topic na hindi naman nakakatawa.

Baka crush niya ako?

At saan naman galing yon LA? Saan ko napulot ang nga salitang iyon? I'm not obviously Adei's type. I mean maganda ako. Always akong maganda. Pero hindi ko nakikita kay Adei na mai-in love siya sa akin o magkakagusto man.

Hindi naman kasi mangyayari ang bagay na iyon dahil after this month ay aalis na ako. Babalik na ako ng Maynila. After this month ay hindi ko na makikita si Adei. And I don't think LDR works on us too. Kaya hindi kami puwede sa bagay na iyon.

Hindi naman sa ayaw ko kay Adei. It's just that he's already my friend. And I'm not a fond of friends turn to lovers. Dahil tulad sa mga nababasa kong libro ay kapag naging in a relationship ang magkaibigan, and nag-break sa kalagitnaan. Eh may possibility na mawawalan ng communication ang dalawa.

May dalawang nawala after that. The relationship and friendship.

At ayokong mawalan kami ng friendship ni Adei. Kung mangyari man iyon ay hindi ko alam.

Edi mawawalan ako ng kaibigan.

Umupo ako sa tabi ni Adei at inubos ang burger.

"Ui Adei." At napatingin kaming dalawa ni Adei sa lalaking kakapasok lang dito sa room.

"Oh Calvin?! Bakit ngayon ka lang?", tanong naman ni Adei.

"Trip ko lang." Sabay kibit-balikat no'ng lalaki sabay lapit sa amin.

Nakita ko namang tumayo si Adei. Parang sina-salubong niya iyong Calvin. So I was thinking kung tatayo rin ba ako to meet and greet that friend of Adei.

"Dude, may ipapakilala ako sa'yo." Nangingiting sabi ni Adei.

Napatingin naman iyong lalaking nangangalang Calvin sa kaniya na tipong hindi makapaniwala.

Hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ni Adei? Mukha ba siyang nagjo-joke? O sadyang may trust issues lang ang taong kaharap namin kagaya ko?

"Babae ba yan? Matutuwa na ba kami niyan at may ipapakilala ka na sa amin?", natawa naman si Adei.

"Siraulo." Sagot ni Adei.

"Dapat lang na-"

"This is LA." Putol sa sasabihin ni Adei kay Calvin. Tumayo naman akong may ngiti sa labi na nakatingin kay Calvin.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now