Chapter 23: Real Score

0 0 0
                                    

Adei's POV



Nang makababa ako sa bangka ay agad kong inabot ang dalawang tote bag na hawak-hawak ni LA.

"Huwag ka munang bumaba. Teka lang." Kumunot pa ang noo ni LA pero nginitian ko lang siya ng pagkalaki-laki saka umalis.

Inilapag ko muna ang mga dala kong bag sa puting buhangin at bumalik sa kinaroroonan ni LA. Iniabot ko naman kay LA ang kaliwang kamay ko. 'Yong parang sa mga prinsipe na tinataas nila ang kamay nila upang tanggapin ang ang kamay ng prinsesa? Ganoon ang ginagawa ko ngayon.

"So that's your plan huh?", sabay tawa ni LA. Ako naman ay tila ba nag-isip sa aking isasagot kaya natawa siya lalo.

Nakangiti naman siyang tinanggap ang kamay ko.

"Itaas mo pala 'yang dress mo, mababasa 'yan." Sabi ko at tumango siya.

Hindi kasi sa mimsong tabi ng dagat nakahinto ang bangka na sinasakyan namin. Kundi sa medyo malayo pa kaya mababasa talaga kapag bumaba ka.

Itinaas naman ni LA ang dress niya at nakita ko na napatingin ang mga kaklase kong lalaki sa legs ni LA. Kahit si Briana ay napatingin sa legs ni LA. Don't tell me si LA ang magpapa-lalaki sa kaniya? Tss.

Bago ako makaramdam ng inis ay binalik ko na ang paningin ko sa nakangiting si LA sa harap ko.

"Buhatin na pala kita. Ibaba mo na 'yang dress mo." At kumunot na naman ang noo ni LA.

"Hah? Huwag na. Kaya ko naman." Sagot niya.

"Mababasa legs mo." Sagot ko.

"Ano ka ba? Siyempre nasa dagat tayo kaya mababasa talaga." At natawa ako sa sinabi niya. Tama naman siya, nasa dagat nga kami kaya walang dahilan na hindi mabasa.

Pero kasi naman nakikita ang legs niya. Sarap din tusukin ng mga matang nakatingin sa kaniya. Nakatingin sa legs niya. Makatingin kay LA akala mo walang legs eh. Makatingin din akala mo ngayon lang nakakita ng legs. Lalong-lalo na, makatingin kay LA ang lagkit eh. Akala mo lalamunin na si LA.

Bakit ba kasi ang ganda-ganda ni LA? Lahat ng oras maganda siya. Tsh. Lagi tuloy may nakatingin sa kaniya. Tapos ako ito, naiinis sa hindi ko malamang dahilan kung bakit. Basta ang statement ko, naiinis ako kapag may nakatingin kay LA. Makatingin kasi akala mo gusto nang sakmalin si LA. Alam ko namang maganda si LA, pero hindi ba puwedeng normal na tingin lang? Psh.

"At saka mabigat ako Adei. You don't have to carry me." At natawa siya.

"Sige na nga." Sagot ko.

Kaya tinanggap ko na ang kamay niya at dahan-dahan siyang bumaba galing sa bangka.

"Let's go Adei." At saka niya hinila ang kamay ko. Hawak pa rin niya kasi ang kamay ko. At wala akong plano na bumitaw.

Sana nga ay hindi na siya bumitaw pa.

Bumalik naman ang tingin ko sa mga kaklase kong nakatingin sa mga legs ni LA. Sinamaan ko sila ng tingin at inilagay ko ang kamay ko sa leeg. 'Yong pinagdaan ko sa pagitan ng leeg ko ang thumb finger ko. 'Yong tipong mamatay sila kapag nakatingin at titingin pa sila kay LA. Wala silang karapatan na tingnan si LA. Ako lang. Pero may karapatan din ba ako? Psh. Huwag niyo na ako tanungin niyan at masisipa ko lang kayo.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now